Nauwi sa trahedya ang pagpapatuli ng isang batang 13-taong-gulang matapos na pumanaw dahil naubusan umano ng dugo.
Ayon sa lolo ng bata, nagpagtuli ang kaniyang apo sa isang medical mission noong Marso 19. Pero hindi raw tumitigil sa pagdurugo sa tuli ng bata hanggang sa isugod na siya sa ospital noong Marso 21. Ngunit kinabukasan ay binawian na siya ng buhay.
Sa death certificate ng biktima, nakasaad na naubusan ng dugo ang bata kaya ito binawian ng buhay. Naniniwala ang pamilya ng bata na nagkaroon ng pagkukulang at kapabayaan sa mga nagsagawa ng medical mission at pagtutuli. Nangyari ito sa Lucena City
No comments:
Post a Comment