Wednesday, September 7, 2022

86-anyos na Lolo, binawian ng buhay habang nag-aararo dahil sa sobrang pagod



Kayod kalabaw parin hanggang sa huling hininga!

Marami sa mga matatanda ang ayaw nilang makadagdag pasanin pa sa mga anak at iisipin ng pamilya, kaya ang iba kahit lahat sa kanila ay marupok na, hirap ng makakilos, makadinig at makakita dahil sa sobrang katandaan, ay mas pinipili paring magbanat ng buto upang mabuhay dahil dito sila nasanay.



Kinahahabagan ngayon ang sinapit ng isang matanda mula Kalubian, Santo Rosario, Tukuran, Zamboanga del Sur na binawian ng buhay sa gitna ng kanyang inaarong lupa.

Sa post ng apo na si Jessel Pameron, inabutan ng huling hininga ang kanyang Lolo na si Hilario Turno, 86-anyos habang nag-aararo ito sa tinatrabahong bukid, katabi nito ang kanyang alaga at kaagapay na kalabaw.



Mag-isa nalang si Lolo Hilario sa kanyang munting kubo, matapos nauna ng pumanaw ang kanyang asawa ilang buwan palang ang nakalilipas, at halos araw-araw niya itong dinadalaw sa kanyang puntod.

May kanya-kanya naring mga pamilya ang mga anak nito kaya’t halos mag-isa nalang din at ayaw naman din umano iwanan at umalis ng matanda sa kanyang bahay.




Ikinalulungkot ng pamilya ang pagkawala ng matanda dahil namatay ito habang nasa kalagitnaan ng pagtatrabho sa palayan. Tanging kasama lang nito ang kalabaw at aso.

“Namatay si Lolo sa gitna ng kanyang inaararong bukid katabi ng kalabaw at ang ginagamit nitong pang-araro. Hindi talaga siya iniwanan ng kanyang kalabaw,”

Kahit sa sobrang katandaan na, hindi parin natapos sa napakabigat na gawain ang matanda at pilit na kumikilos parin sa buhay.

“Nakakaawa ka naman Lo, bakit mo pa pinilit kung di na kaya ng katawan mo ang trabaho. Ano tuloy nangyari sayo. ,”



Sa ibinahaging larawan ni Jessel, basang-basa sa ulan ang wala ng buhay na matanda sa ibabaw ng lupang inaararo nito.

“Nabasa kapa ng ulan at ng tubig sa palayan mo, Lo. Bumangon ka jan mag bonding2 pa tayo. Lo, bakit diyan ka pa binawian. ,”

Inaalala din nito ang pinangako sa kanila ng matanda, na ayaw nitong malagutan ng hininga habang nagtatrabaho sa bukid.

“Ang hirap ng malayo kami sayo. Sabi naman namin sayo na sumama kana sa bahay. Sabi mo pa noon, kung mawala ka man, ayaw mong sa palayan ka abutan pero bakit nandiyan ka ngayon.

“Tabi pa kayo sa kalabaw mo at aso. Pinilit mo talaga Lo ang katawan mo.”

No comments:

Post a Comment