Mayroon nga namang mga kabataan na sa murang edad ay nagagawa ng dumiskarte at maghanap-buhay, ito ay upang makatulong kahit papaano sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Marami na tayong narinig na kwento ng mga kabataan na sa kanilang napakabatang mga edad, ay talaga namang masasabi natin na batid na nila ang hirap ng buhay dahil sa kanilang mga pinagdadaanan, ngunit sa kabila nito ay hindi naman nawawala ang pagiging positibo na sa kabila ng hirap ay makakaranas rin sila ng kaginahawaan, at patuloy na ngingiti lamang sa lahat ng hamon ng buhay.
Samantala, isang dalaga mula sa Davao City ang masasabi natin na isa sa mga kabataan na sa murang edad, ay naisip ng dumiskarte upang makatulong sa kanyang mga magulang, at dahil nga dito ay maraming mga netizens ang talagang napahanga niya.
Ang dalaga ngang ito ay kinilalang si Yssa Nicole Nengasca, kung saan sa kabila ng pagkakaroon ng p@ndemya, ay nagagawang maglako ng dalaga, upang magtinda ng banana cue sa kanilang mga kalapit-bahay at kabaranggay. Ito ay dahil batid niya na kahit sa maliit na pamamaraan niya at maliit na kikitain niya sa pagtitinda, ay makakatulong siya kahit papaano sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ngunit hindi nga lamang ang kasipagan sa pagtitinda ng banana cue ni Nicole ang talagang umagaw ng pansin sa mga netizens, kundi mas napansin ng mga ito ang taglay na ganda ng naturang dalaga.
Sa Facebook account ni Yssa, ay naggbahagi siya ng kanyang larawan, kung saan ay makikita na siya’y nakatayo at hawak-hawak ang isang bilao na naglalaman ng kanyang mga panindang banana cue, na ilalako niya.
Ayon nga sa dalaga, sa kabila ng init ng sikat ng haring-araw, ay nagagawa niyang maglako ng banana cue sa palibot ng Barangay Dos sa nasabing lungsod, ito ay upang makakita pa siya lalo ng mga taong nais bumili at makatikim ng kanyang itinitinda.
Kalaunan nga, ay makikita na nagpost na ang dalaga ng kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal, dahil sa maikling oras ng kanyang paglalako, ay agad ng naubos ang kanyang banana cue, at lahat ng kanyang pagod sa paglalako ay talaga namang “worth it”, dahil may maiuuwi siyang kita sa kanyang mga magulang.
Samantala, matapos nga ang naging pag-post ni Yssa ng kanyang larawan sa Facebook kung saan siya ay may hawak na bilao ng banana cue, ay agad na napakaraming mga online users ang nag-shares ng kanyang mga larawan, ito ay dahil sa talaga namang nabigahani sila sa kanyang angking ganda.
Marami rin sa mga netizens na nakakita ng larawan ng dalaga, ang talaga namang hinangaan siya dahil sa kabila ng kanyang murang edad, ay naiisip na niyang makatulong sa kanyang mga magulang sa simpleng paraan na kanyang nalalaman .
Sa ganda at kasipagan nga ni Yssa, ay masasabi natin na isang magandang kinabukasan ang naghihintay sa dalaga.
No comments:
Post a Comment