Ang pagkakaibigan ay talagang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay natin. Hindi lamang tayong mga tao kundi maging para na rin sa mga hayop.
Marahil lahat naman tayo ay nakaranas magkaroon ng matalik na kaibigan. Tulad na lamang ng dalawang aso na ito na sina Messy at Audi.
Sila ay naninirahan sa Thailand, magkalapit lamang ang tahanan kung saan sila nakatirang dalawa kung kaya naman madalas din silang magkasama. Madalas na nasa trabaho ang amo ni Audi kung kaya naman naiiwanan itong mag-isa sa kanila.
Napansin ito ng amo ni Messy na si Oranit Kittragul kung kaya naman paminsan-minsan ay hinahayaan niyang makalabas siya ng kanilang bakuran upang makapunta ito sa kaniyang kaibigan.
“When Audi feels lonely and cries, I always ask my dog to see and talk to him. My dog just looks from my fence and sometime he barks to Audi. I don’t know what they are communicating, but he stops crying.” Pahayag nito.
Nang minsan namang naibahagi sa social media ang larawan ng dalawang aso ay hindi na napigilan pa ang pagdami ng mga taong nagkokomento patungkol dito. Isang beses raw ay nakalimutan ng amo ni Audi na ikandado ang kanilang pintuan kung kaya naman agad na nakatakas ang kaniyang alaga.
Hindi naman daw naglayas ang kaniyang alaga, dahil dumiretso ito sa bahay ng kaibigan niyang si Messy.
“He ran to my dog and they hugged each other,” Pahayag pa ni Oranit.
Talagang ikinagulat ng marami ngunit labis din nilang ikinatuwa ang makakita ng nagyayakapan na mga aso. Para sa ating mga tao, napakasarap talaga sa pakiramdam ang makatanggap ng yakap mula sa ating pamilya o minamahal.
Gayun din marahil ang nararamdaman ng dalawang magkaibigan na ito na tila ba ayaw nang mawalay pa sa isa’t-isa. Dahil sa pagiging malapit ng dalawang aso ay napagdesisyunan ng kanilang mga amo na maglaan ng oras para sa kanilang dalawa – nang makapaglaro at makapagsama pa sila ng mas matagal.
No comments:
Post a Comment