Panahon na naman ng tag-ulan sa Pilipinas at talaga namang marami sa atin ang naaapektuhan dahil dito. Hindi lamang mga mag-aaral, mga guro, mga empleyado, at mga magsasaka kundi halos lahat tayo – nagtatrabaho man o nag-aaral.
Ngunit maliban pala sa atin, marami ding mga hayop ang talagang naaapektuhan din ng panahong ito. Tulad na lamang ng 13-week-old na Bernese Mountain puppy na ito.
Dapat kasi sana ay maglalakad-lakad sila ng kaniyang amo ng araw na iyon ngunit dahil sa umuulan ay hindi na natuloy pa ang kanilang plano. Siya ay nakilala bilang si Stanley mula sa Melbourne.
Maraming mga netizens ang natuwa sa kaniyang video kung saan talagang seryoso ito na tila ba isang batang nagdarasal na sana ay huminto na ang malakas na ulan nang makapaglaro na siya sa labas. Ang kaniyang mo mismo ang nagbahagi ng video niyang ito online.
“Waiting for the rain to stop so we can go to the park.” Caption nito sa naturang video.
“Just want to run around at the park but mum forgot my raincoat!” Dagdag pa nito.
Umani din naman ng maraming reaksyon mula sa publiko ang video na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:
“Mom… If I chomp all the waters, we can go play.” Pahayag ng isa.
“Lmao I’d let the door open and let him have after!!! Lol I’d run crazy with him too jumping in the puddles!” Dagdag pa ng isang netizen.
“So cute sitting up so tall and watching what’s happening.” Turan naman ng isa pa.
Tunay nga na nakakatuwang makapanuod at makakita ng mga video na ito na kung saan aakalain mong tao ang ilan sa mga hayop na ito. Para bang nararamdaman din nila madalas ang mga nararamdaman natin.
$bp(“Brid_63930572”, {“id”:”23832″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”1103904″,”autoplay”:0,”shared”:true});
Kahit pa nga sabihin ng ilan na walang ganitong klase ng emosyon ang mga hayop na ito, mayroon pa rin talagang mga piling pagkakataon na pinatutunayan nilang malaki rin ang pagkakatulad nila sa atin.
No comments:
Post a Comment