Monday, September 5, 2022

Bantayan ang mga anak, dalawang taong gulang na bata , nakalunok ng barya



Hirap na hirap sa paghinga at tila nasasakal umano ang dalawang taong gulang na bata na si Prince Jericho Caragay nang mapansin ito ng kanyang ina sa kanilang bahay sa Barangay Tococ, Mangatarem, Pangasinan.



Dali-daling dinala sa ospital ang bata. Laking gulat nila nang makitang pisong barya pala ang bumara sa lalamunan ng bata. Ang buong akala raw ng kanyang ina ay nabilaukan lang ito ng kinakain nuyang cheese roll.



Hindi alam ng pamilya ng bata kung paano nakuha ang pisong barya at kung paano niya ito nalunok.



Naoperahan na ang bata at natanggal na ang bumarang barya. Ayon sa ina ng bata, inaasikaso niya ang isa pa niyang anak na maysakit nang mangyari ang insidente.






No comments:

Post a Comment