Monday, September 5, 2022

Mga Pinay OFW, Sa sahig Pinatulog ng kapwa nila Pinay na Staff ng isang Agency sa Jeddah



Nais ng mga kababayan natin na umasenso sa buhay, kaya pinili nila mangibang bansa dahil sa tingin nila ay naroroon ang magandang oportunidad ngunit kapwa pa natin pinoy ang mang-mamaliit sa atin doon.





Ayon umano sa post ni Irene, kampante umano sila pagdating nila ng Jeddah dahil kapwa pinay ang staff na mag-aasikaso sa kanila ngunit imbis na bigyan sila ng maayos na tulugan ay sa sahig pa umano sila nito pinahiga at pinaupo at nakatikim pa umano sila ng panlalait dito.




Hindi nila sukat akalain na magagawa ito ng kapwa natin pinoy sa ibang bansa, imbis na sila ang magbigay sa atin ng lakas ng loob para tumagal sa trabaho makapag-ipon ay sila pa umano ang umaape sa kanilang kapwa pinoy.

Umabot pa umano sa pagpapakain ng panis na pagkain sa isang pinay roon at ang isa naman ay hindi kinaya ang ugali ng kanyang amo.




Narito ang kabuuang post ni Irene:

Ito po yong time na sinabihan kaming sa lapag umupo at Hindi daw sa kama Baka masira pa 1 pinay mismo na staff sa Thawabet Agency dito sa Jeddah Ang nagsabi.Yong pagdating nyo kampante na kampante kayo KC may kababayan kayo na nandon ,pro iba pala makapagtrato Ng kapwa nya pinay!!Nakakalungkot Lang isipin na may Mga ganyang Tao,d ako sure pag staff ba cya Doon o may ari,o nakapag asawa Ng arabo,o sobrang yaman na ba nya Kaya ganyan sya!! 1 araw at Kalahati pa Lang kami don pro ibang iba talaga Ang trato nya sa Mga kapwa nya pinay…sigaw na abot pinas,panlait na mula paa hanggang ulo..2 Yong nasaksihan namin na pinagalitan nya nong time na yon Mga nauna sa Amin na dumating kaso bumalik sa agency,Yong 1 pinapakain Ng panis na pagkain at Yong 1 Hindi nya Kaya Mga ugali sa Mga amo nya,..pro d ko Lang alam nga pangalan nila pro dinig na dinig ko Ang Mga sinasabi at sigaw ng staff sa kanila(WAG KA GAGAWA NG KWENTO PAANO KA MAPAPAKAIN NG PANIS EH RAMADAN NGAYON) TAS Yong sa 1 naman sinigawan nyang bat nakasimangot Ka Ang liit2x mo Ang pangit mo pa!!swerte Lang d ko talaga na kunan Ng video!!!paano na Kaya Ang ibang Mga kasambahay na gustong bumalik sa agency na Yan tas ganyan pa ugali Ng staff ..wala talagang mangayari…cguro Kaya Ang dami na Lang nagbigti.. kaysa bumalik pa sa agency lalo na kagaya nito Ang staff!!nakalimutan nya cguro na bago Tayo makuha Ng Mga amo natin binayaran na sila Ng limpak limpak na salapi na Ang kapalit Ang pagseserbisyo natin nilang kasambahay!!!parang galit cya sa mundo na lahat Ng pinay damay!!!


No comments:

Post a Comment