Monday, September 5, 2022

Isang daycare ng mga puppy, inulan ng mga komento matapos magbahagi ng napaka-cute na larawan ng mga tuta na natutulog nang sabay-sabay!

Nito lamang nagdaang linggo ay muli nang pinahintulutan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng face-to-face classes o ang muling pagbabalik ng mga bata sa paaralan. Talagang marami ang nasabik ng husto dahil halos dalawang taon din ang lumipas buhat nang pumasok ang mga bata sa paaralan dahil na rin sa pandemya.

Sa bansang Japan, bahagi na ng kanilang kultura ang pagkakaroon ng mga daycare centers kung saan maaari nilang iwanan at ipagkatiwala ang kanilang mga anak habang ang mga magulang ay nasa kanilang mga trabaho. Nakakalungkot lamang na wala pa masyadong ganitong pasilidad sa Pilipinas kung kaya naman kinakailangan pang maghanap ng mga kasambahay o yaya ng ilang mga magulang.

Marahil nakasanayan na nating makakita ng mga batang naglalaro at nag-aaral sa mga daycare centers na ito ngunit nakakita na ba kayo ng mga tuta sa daycare center? Puppy daycare center kung tawagin ang Puppy Spring na isang “doggy daycare facility”.

Nag-aalaga sila ng mga tuta na mayroong edad na 12 linggo pataas. Dahil sa marami na rin naman talaga sa atin ang nahihilig na mag-alaga ng hayop at mayroon ding trabahong kailangan gampanan, mainam ito at hindi na sila mag-aalala pa sa kanilang mga alaga.

Ang naturang center ay kayang mag-alaga ng 30 mga tuta sa loob ng isang araw. Tulad ng mga daycare center para sa mga bata, mayroon ding iba’t-ibang gawain at laro ang mga tuta rito upang hindi sila mainip at mas maturuan sila pagdating sa pakikisama sa iba pang mga tuta.

Bukod sa mga gawain na ito ay kailangan din nilang mamahinga.

“We get the pups napping from 2 pm to 3:30 pm. The cost of our services varies and depends on a few different factors, including the time dogs spend at the facility.” Pahayag ng Puppy Spring.

Nagbahagi rin sila ng ilang mga kuhang larawan ng mga tuta na ito na sabay sabay na natutulog sa hapon.


No comments:

Post a Comment