Wednesday, September 28, 2022

Bukas ang pinto ng kaniyang kotse sa isang gas station kung kaya naman agad na nakapasok ang aso sa kaniyang sasakyan!

Marahil ay madalas nating marinig sa mga matatanda na ang ikagaganda at ikaaayos ng buhay ng isang tao ay nakasalalay sa kaniya. Tanging siya lamang ang makakagawa ng paraan upang maisalba ang kaniyang sarili mula sa mga pagsubok at kahirapang ito.


Ngunit maging ang ilang mga hayop pala ay tila may ganito ding kakayahan. Tulad na lamang ng isang aso na ito.

Matagal na siyang nag-iisa at palaboy-laboy sa lugar kung saan nakatayo ang gasolinahang ito. Ayon kay Bill, nang pauwi na siya mula sa Missouri pagkatapos ng kaniyang pangingisda ay kinailangan niyang gumamit ng banyo.


Buti na lamang at may nadaanan siyang gasolinahan. Sinadya niyang iwanan nang nakabukas ang pinto ng kaniyang sasakyan dahil batid niyang di rin naman siya magtatagal roon.
Ngunit ang hindi alam ni Bill ay kanina pa siya nakita ng isang aso. Walang kaabog-abog na sumakay ito sa sasakyan.

Nang nagbalik na si Bill ay doon na niya nakita ang aso. Naawa siya sa kalagayan nito dahil halatang-halata na walang nag-aalaga sa kaniya.

Nang magkatinginan sila ng aso ay tila nangusap sa kaniya ito, humihingi ng tulong. Dahil dito ay hindi na nagdalawang-isip pa si Bill na ampunin ang aso dahil maging ang kaniyang misis ay pumayag na rin matapos niya itong tawagan.

Nang makauwi sila ay agad din namang nagtungo sa beterinaryo sina Bill at ang bago nilang alagang si River. Ito ang pinangalan sa kaniya dahil natagpuan siya ni Bill matapos niyang mangisda.

Noon pa man ay talagang nag-aalaga na pala sina Bill at ang kaniyang asawa ng mga aso na na-rescue din nila. Hindi lamang nagkaroon ng mga amo si River kundi nagkaroon din siya ng pagkakataon na makasama ang ilang mga tulad niyang mga aso.


Nakakatuwang makita sa ngayon na hindi na malungkot at matamlay si River. Isang napakagandang ehemplo para sa ating lahat.


No comments:

Post a Comment