Wednesday, September 28, 2022

Ito pala ang mga Blue British Shorthair cat na itinuturing na teddy bear ng nakararami!

Patuloy ang pagiging popular o pagiging sikat ng iba’t-ibang klase ng hayop sa ngayon lalo na at mas laganap na ang social media. Tulad na lamang halimbawa ng mga pusang ito.

Kung ilarawan ang mga pusa na ito ngayon ay mala-“teddy-bear”, likas silang mababait, kalmado, at talagang hindi ganoon kalilikot o kaaktibo. Kilala rin ang kanilang lahi sa pagkakaroon ng mahahabang buhay.

Kadalasang nasa medium hanggang large ang sukat nila. Ang mga lalaking pusa na ito ay mayroong timbang na 9 hanggang 17 pulgada habang ang mga babae naman ay nasa 7 hanggang 12 pulgada lamang.

Sa pagtungtong nila ng tatlong taon ay doon na makikita ang kanilang maximum size. Kung tama at wasto ang pag-aalaga sa kanila ay maaari silang mabuhay ng 14 hanggang 20 taon.

Marami din ang nakapansin na gustong-gusto ng mga British Shorthairs na tumira sa sahig lamang. Hindi sila ganoon kainteresado sa pag-akyat sa masyadong matataas na mga lugar tulad ng ibang breed ng pusa.

Mababait din naman sila kung makitungo sa ibang mga hayop tulad na lamang halimbawa ng mga aso, pusa, kuneho, at mga ibon. Kung ang karamihan sa mga pusa ay nagtatagal sa inyong kandungan, sila naman ay hindi masyadong magtatagal bagkus ay aalis na lamang bigla makalipas ang ilang minuto.

“Four paws on the ground cats” ang taguri sa kanila at ayaw na ayaw nilang kinukuha at niyayakap. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay wala silang pakialam sa kanilang mga amo. Gusto din nila ang pagpe-pet sa kanila ng kanilang mga amo.

At madalas na hindi sila umaalis sa tabi ng mga ito. Ayon sa ilang mga ulat, ang mga ganitong klase ng pusa ay mayroong iba’t-ibang kulay ngunit madalas na chocolate, lavender, o Himalayan pattern ang nakikita nating kulay nila.

Ang kanilang mga mata naman ay maaaring maging kulay “deep sapphire blue”, “gold”, “green”, “blue-green”, “hazel”, o di kaya naman ay “copper”.


No comments:

Post a Comment