Marahil ay sariwa pa sa ating mga alaala ang karanasan natin noon sa tuwing tinatawag tayo ng ating mga magulang sa labas ng ating tahanan. Kahit gaano kasi tayo kaabala noon sa ating paglalaro o pakikipag-usap sa ating mga kaibigan ay kailangan nating sumunod at lumapit sa kanila kung tayo ay tinatawag na.
Wala kang pwedeng idahilan na kahit ano sa kanila kung kaya naman talagang magmamadali ka ng husto kapag narinig mo na ang kanilang pagtawag. Ngunit hindi lamang pala tayo ang mayroong ganitong karanasan.
Dahil ito ay naranasan na din ng isang aso sa Thailand. Ang video ng aso na ito at ng kaniyang amo ay talagang inulan ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko.
Sa video mapapansin ang isang kulay kayumanggi na aso na dahan-dahang naglalakad pauwi sa kanila. Sa labas ng kanilang tahanan ay naroroon naghihintay ang kaniyang amo na may dalang patpat para sa kaniya.
Dahil sa hindi kaagad umuwi ng bahay ang aso kung kaya naman nag-aalala ang mga tao sa kanilang bahay. Marahil sa sobrang paglalaro kasama ang ibang mga aso ay nalibang ito at noon na lamang niya naisipang umuwi.
Nang makalapit na ang aso sa kaniyang amo na mayroong dalang patpat ay agad itong umupo sa harapan. Hindi nagtagal at tumayo at agad ding yumakap ang aso sa kaniyang amo.
Tila ba isang anak ito na naglalambing sa kaniyang ama at nagsasabing patawarin siya sa kaniyang mga naging kasalanan. Hindi rin naman nagtagal at pinatawad na ng kaniyang amo ang aso dahil sa nagawa nito.
Tunay nga na maaari itong maihalintulad ng mga anak sa naging kabataan nila kung saan umuuwi rin sila ng alanganing oras. Kinakabahan at natatakot sa kung ano ang madaratnan sa bahay ngunit umuuwi at umuuwi pa rin naman sila.
Ikaw, naaalala mo pa ba kung paano ka humingi ng tawad sa iyong mga magulang noong ikaw ay bata pa?
No comments:
Post a Comment