Sunday, September 11, 2022

Isang tuta na kulay berde ang pumukaw sa atensyon ng publiko, bakit nga kaya ganito ang kaniyang kulay?

Maraming mga nakakatuwa at nakakapagtakang bagay tayong nasasaksihan sa araw-araw. Minsan mayroong paliwanag patungkol sa mga ito ngunit minsan ay wala rin naman tayong mahanap na magandang paliwanag kung bakit at paano nangyari ang mga bagay na ito.

Mayroon din tayong kaniya-kaniyang opinyon at pananaw patungkol sa mga ito. Kamakailan lamang ay mayroong nabalitaan na pangyayari sa Italya kung saan mayroong ipinanganak na isang kulay berde na tuta.

Pinangalan ito ng kanilang mga amo na Pistachio. Samantala, nangyari din ito sa Pilipinas kung saan ibinahagi ni Chona Lacsamana ang tungkol sa kakaibang tuta ng kaniyang alagang aso.

Nagsilang kasi ito ng kulay berde na tuta na tinawag naman niyang Wasabi. Taong 2017 naman nang may isa pang Labrador na nagsilang din ng kulay berdeng tuta na pinangalan naman nilang Fiona ang “Ogre princess” sa Shrek.

Ngunit bakit nga kaya ito nangyayari? Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang kulay berde na ito sa balat ng mga tuta na nabanggit ay dahil sa stain na kung tawagin ay “biliverdin”.

Ito ay responsable sa paggawa ng “bile” at pagpapagaling ng mga sugat ng mga hayop. Ngunit minsan, mataas ang lebel nito sa birth sac ng tuta dahilan upang maging kulay berde ang balat nito.
Maaari din itong ihalintulad sa pangkulay ng buhok. Akala ng iba na hindi na ito mawawala ngunit kalaunan ay kukupas din ang kulay na ito.

Hindi naman delikado sa mga hayop ang kondisyon na ito at wala ring negatibong epekto sa kanilang paglaki. Marami ring mga netizens ang namangha sa balita na ito.

Tunay nga na marami pa ring mga kakaibang balita ang ating natutunghayan sa araw-araw. Hindi matatawaran ang mga pambihira at nakakamanghang bagay na ito na mas malaya nating nababatid dahil na rin sa laganap na ang internet at iba’t-ibang social media platforms saan mang dako ng mundo.


No comments:

Post a Comment