Noon pa man, marami na sa ating mga Pilipino na nakatira malapit sa ilog o liblib na lugar ang talagang nag-iingat sa mga buwaya dahil maaari talagang makakagat ang mga ito. Nagiging dahilan din ang mga hayop na ito upang masugatan ng malala o di kaya naman ay masawi ang isang tao.
Dahil dito ay talagang natakot ng husto ang mga residente ng isang lugar dahil sa namataang buwaya diumano sa tubig-baha sa kanilang lugar. Buti na lamang at hindi pala ito talaga totoong buwaya bagkus ay isang laruan lamang.
Ang laruang buwaya na ito ay nakita sa isang lugar na binaha sa Malaysia. Tunay nga na marami na ring mga laruan sa ngayon na aakalain mong totoo talaga sa kanilang hitsura.
Dahil sa maputik at malabo ang tubig sa kanilang lugar kung kaya naman marami ang nataranta na makakita ng ganitong klase ng hayop sa tubig-baha. Hindi pa kasama riyan ang hindi mabilang na mga kaso ng mga taong nasusugatan at nasasawi dahil sa nakakita ang mga ito ng mga buwaya.
Hindi rin naman nagtagal at naiahon din sa tubig-baha ang buwayang laruan na isa palang “plushie toy”. Marami ang natakot sa laruan na ito ngunit laking pasasalamat na rin nila dahil hindi ito totoo.
Hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa pagkokomento kung gaano sila katakot sa mga buwaya at kung sakaling sa kanila raw ito mangyayari ay agad silang tatakbo palayo. Ilang mga netizens pa ang nagkomento na kung sila raw ang makakakita nito ay tiyak na malulunod na sila agad sa mismong lugar na iyon at hindi na nila magagawa pang makatakbo.
“I would’ve fainted on the spot and drowned,” komento ng isang netizen.
“Whose plushie is this?!” Pabirong turan pa ng isa.
Ang pag-atake ng mga buwaya ay hindi na bago sa atin lalo na sa mga lugar kung saan mayroon mataas na populasyon ng mga tao at mga buwaya. Halos nasa 1,000 mga tao raw ang nakakaranas ng pag-atake ng mga buwaya taon-taon.
No comments:
Post a Comment