Friday, September 16, 2022

Isang mahusay na photographer ang kumuha ng perpektong larawan na ito ng isang grey owl sa isang puno!

Umani ng napakaraming positibong komento at magagandang reaksyon ang 45 taong gulang na photographer na si James S. Batuigas mula sa Canada matapos niyang makuhanan ng larawan ang isang grey owl na ito na perpektong naka-blend sa isang puno!

Halos limang oras daw ang naging biyahe niya makarating lamang sa British Columbia forest at talaga namang naging “worth it” ito dahil sa napakagandang larawan na kaniyang nakuha.

“I was planning to look for the great grey owl that day. I was driving on a forest road searching for the great grey owls, scanning every tree hoping to find one during noontime, where they’re usually resting.” Pahayag ni Batuigas.

“Then suddenly in the corner of my eye I noticed something moving in the tree trunk, that’s when I realized it was the owl cunningly blended with the bark of the tree.” Dagdag pa niya.

Hindi raw siya lubos makapaniwala nang makita niya na parang may gumagalaw sa isang puno. Napansin niya ang tila ulo ng isang ibon at doon na nga niya naisip na ito ang grey owl na matagal na niyang hinahanap.

Ang mga “great grey owl” (Strix nebulosa) ay maaaring lumaki hanggang 33 inches – nasa 84 cm ang pinakamalaking specie nito sa buong mundo.

Ayon din sa Owl Research Institute, ang kulay ng mga balahibo ng mga kwago na ito ay nakatutulong sa kanila upang makapamuhay sila ng maayos sa kanilang tirahan, dahil dito ay hindi rin sila gaanong nalalamigan.

“Feather colors are not the only things that help camouflage owls. They have other tricks to conceal themselves. Many stand tall and pull their feathers in tightly, making the owls skinnier and harder to see.” Dagdag pa nila.

Marami din ang namamangha sa kakayahan nila na mag-blend o mag- camouflage sa kanilang paligid upang makaiwas sa mga hayop na maaaring kumain sa kanila.


No comments:

Post a Comment