Wednesday, October 19, 2022

Isang mabuting rider, bumili ng pagkain para lamang ipakain sa mga asong kalye!

Aminin man natin o hindi, saan man tayo lumingon ay marami tayong makikitang mga hayop na inabandona ng kanilang mga amo. Maaaring ito ay pusa, aso, at iba pa.

Nakakaawa ang kanilang mga kalagayan dahil wala nang nag-aaruga sa kanila at wala na ring nagpapakain. Dahil dito ay kailangan nilang magkalkal ng makakain sa mga basurahan.

Dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng bilang ng mga hayop sa lansangan ay mas iilang lokal na pamahalaan pa rin ang nagpapatupad ng mga batas at panukala na kahit papaano ay makakatulong sa kanila. Kaugnay nito, mayroon pa rin namang ilang mga indibidwal at pribadong organisasyon na tumutulong sa mga kawawang hayop na ito.

Tulad na lamang halimbawa ng isang arider na ito na nakuhanan ng larawan habang pinapakain ang ilang mga asong kalye na kaniyang namataan sa lugar kung saan siya kumain at namahinga. Nakuhanan ng netizen na si Jozel Anne Quiambao ang larawan ng mabuting rider na ito.

Talaga namang marami ang humanga at bumilib sa kaniyang ginawa.

“Bumili po kasi siya sa store namin ng burger and milk tea tapos may mga aso na gumagala po dito. Tapos sabi niya sa’kin ‘pabili isang order ng siomai,’ wag na daw lagyan ng mga toyo,” Pagsasalaysay ni Quiambao.

“Tapos nung nakita ko po na binigay niya sa aso hindi ko na po pinabayaran. Kasi nga dog lover rin po ako at ginagawa ko rin po ‘yun.” Dagdag pa niya.

Ayon pa sa kaniyang kwento, nabanggit daw sa kaniya ng rider na hindi ito ang unang beses na nagpakain siya ng hayop sa lansangan. Dahil madalas ay nagdadala talaga siya ng sobrang baunan kung saan naroon ang pagkain para sa ilang mga hayop.

“Sobrang nakakataba po ng puso tsaka medyo napaluha ako kasi ang bait po ni kuya,” sambit pa ni Quiambao patungkol sa kabutihan na ito ng rider.


No comments:

Post a Comment