Wednesday, October 19, 2022

Binata na nagligtas sa isang aso sa ilog na muntik nang malunod, nakatanggap ng scholarship at marami pang gantimpala!

Hindi alintana ng binatilyong ito ang panganib na kaniyang kinaharap para lamang mailigtas ang isang asong muntik nang malunod sa ilog. Inakala ng ibang tao na alagang aso nila ito ngunit hindi pala!

Dahil dito ay mas marami pang humanga sa kaniya. Hindi rin naman nagtagal at ang ilan sa mga taong humanga sa kaniya ay nagpadala ng mga biyayang labis niyang ipinagpasalamat.

Una na rito ang senior high school scholarship, smartphone, at groceries. Ang nagbahagi ng videong ito ng binate ay nakilala bilang si Margole Miko Ilagan.

Ang pangalan ng binatang ito ay walang iba kundi si Angelo Diolata Flores. Sa naturang video ay makikita si Flores na agad na tumulong sa asong muntik nang malunod sa ilog.

Halatang nahirapan siya lalo na at wala siyang mahawakan na kahit ano habang inililigtas ang aso. Buti na lamang at mayroong mga taong tumulong din sa kaniya kagit papaano.

Pinaalalahanan din siya ng mga taong naroroon na mag-ingat dahil maaari siyang kagatin ng aso na kaniyang tinutulungan. Ngunit maaaring naramdaman din agad ng aso na gusto lamang siyang tulungan ni Flores kung kaya naman hindi niya ito kinagat.

Nakakaawa talaga ang kalagayan ng asong iyon ngunit wala rin namang kahit sino ang nagnais na tumulong kahit na malapit na itong malunod. Dahil sa kaniyang kabayanihan ay tinanghal siyang “Animal Kingdom Foundation’s Young Hero”.

Kasabay nito ay nakatanggap din siya ng senior high school, smartphone, at grocery items. Ang “Animal Kingdom Foundation” o AFK ay isang non-profit animal welfare organization sa Pilipinas.

Ang non-profit organization (NGO) na ito ay nakabase sa Tarlac at naglalayon na mapabuti ang kalagayan ng mga hayop. Buti na lamang at mayroon pa ring mga indibidwal at mga organisasyong tumutulong sa mga hayop na ito na nangangailangan.

Nawa ay mas maging responsable at disiplinado tayo lalo na kung may mga alaga tayong hayop.


No comments:

Post a Comment