Wednesday, October 19, 2022

Isang pamilyang sinalanta ng bagyo, nagpapasalamat pa rin nang husto dahil nailigtas ang kanilang mga alagang aso!

Wala nang naisalba pang kahit ano ang isang pamilyang ito. Kahit nga ang ilan sa kanilang mga appliances ay hindi na nila nagawa pang kuhanin.

Ito ay dahil sa mapaminsalang bagyong Ulysses na naranasan ng marami sa atin noon. Kahit na walang natira sa kanilang tahanan ay laking pasasalamat pa rin nila dahil buhay ang kanilang mga alagang aso.

Sa kabila ng maraming mga pagsubok ay talagang nagpapakatatag ang marami sa atin lalo na kung mayroong mga ganitong pagsubok na dumarating. Hindi na rin naman kasi madaling iwasan ang pagbaha, pagguho ng lupa, lindol, at iba pang uri ng mga sakuna.

Ngunit ang mahalaga sa lahat ay walang nasaktan sa pamilya. Kamakailan lamang ay maraming nakapansin sa kwento ni Ma. Lydia “Arly” Torio, 48 taong gulang at isa rin sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.

Talagang malaki ang pinsalang tinamo ng kanilang tahanan at kitang-kita naman ang bakas nito sa mga larawan na animo’y wala ka nang mapapakinabangan at maisasalba pa kahit isang gamit man lamang. Ngunit sa halip na malungkot, magmukmok, at mabahala ay tumanaw na lamang sila sa mga positibong bagay.

Walang nasaktan at walang nasawi sa kanilang pamilya kahit ang mga alaga nilang hayop ay ligtas ding lahat. Katulad naman ng mga pamilyang nakaranas din ng hagupit ng bagyo ay makikita sa ilang mga larawan kung paano nila muling ibangon ang kanilang nasalantang tahanan.

Nang tuluyan nang humupa ang baha sa kanilang lugar ay saka sila naglinis ng kanilang bahay. Tunay nga na mahirap ang ganitong karanasan lalo na sa mga pamilyang walang-wala sa buhay.

Ngunit napakagandang inspirasyon para sa marami na sa kabila ng mahirap na pagsubok na ito ay nagagawa pa ring ngumiti ng mga Pilipino at nagagawa pa rin nating magkaroon ng pag-asa sa buhay. Dahil dito ay nababatid nating darating din ang araw na malalampasan natin ang lahat ng ito.


No comments:

Post a Comment