Monday, October 3, 2022

Mga bumbero, naghanda ng pormal na “funeral ceremony” para sa pumanaw nilang aso!

Ang Iquique ay isang magandang port city sa hilagang bahagi ng Chile. Sa Iquique Fire Department ay maraming mga masisipag at matitiyagang mga bumbero na nagpapanatili ng kaayusan sa kanilang lugar.

Ginagawa nila ang lahat upang makapagligtas ng mga ari-arian at lalong-lalo na buhay ng mga taong nakatira roon. Mayroon silang station dog na pinangalanan nilang Negro.

Talaga namang tuwang-tuwa ang mga bumbero na ito sa tuwing makikipaglaro sa kanila si Negro. Responsibilidad ng station dog na bantayan ang kanilang estasyon at ito ang gampanin ni Negro.


Sa loob ng halos 10 taon ay nagkaroon ng magandang pagsasama si Negro at ang buong departamento. Bilang mga bumbero, marami talaga silang stress na kinakaharap ngunit sa tulong ng kanilang aso ay madalas na nababawasan at tuluyang nawawala ang kanilang stress.


Ngunit, dahil na rin sa limitadong buhay ng mga hayop tulad ng aso ay pumanaw si Negro sa edad na 14 o 78 taon ang katumbas sa ating mga tao. Wala siyang ibang karamdaman kundi pumanaw lamang ito dahil sa kaniyang katandaan.


Nang mangyari ito ay hindi naman sila pumayag na basta na lamang lumisan ang kanilang kaibigan na si Negro. Talagang naghanda ng isang “formal funeral ceremony” ang fire department.

Ginawa nila ito dahil sa pagmamalasakit at pagmamahal nila kay Negro. Ginawaran din si Negro ng “honorary firefighter” rank bilang pagpaparangal sa matagal niyang serbisyo.

“Today, one of our ranks left the earth – our four-legged firefighter. Thank you very much for all the years you’ve been with us. We’ll remember you forever.”

Tunay ngang nalungkot at nagdalamhati ang lahat sa kanila dahil sa paglisan ng isang kaibigan. Tiyak na marami ang mangungulila sa kaniya lalo na sa tuwing pagod at hirap sila dahil si Negro ang nagbibigay ng ngiti sa kanila.

Sa kabila ng pagdadalamhati nila ay masaya na rin sila dahil sa payapa na si Negro kung nasaan man siya ngayon.


No comments:

Post a Comment