Monday, October 3, 2022

Isang Kangaroo ang yumayakap sa kaniyang rescuer araw-araw, bilang pasasalamat sa pagliligtas nito sa kaniya!

Noon pa man, ang pagyakap ay sumisimbolo ng pasasalamat at pagmamahal natin sa isang tao. Kakaiba rin ang pakiramdam natin sa tuwing yayakapin tayo dahil para bang nagbibigay ito ng “comfort” at ng “assurance” na ang lahat ay magiging maayos din.

Pagdating naman sa mga hayop, ang ganitong klase ng aksyon bagamat hindi natin madalas makita o mapansin ay nangyayari din. Gustong-gusto din ng mga hayop na ito ang yumakap at mangyakap tulad nating mga tao.

Isang magandang halimbawa ang mga kangaroo na mahilig ding magpakita ng kanilang emosyon at nararamdaman. Kaya din nilang magpakita ng pasasalamat sa mga kaibigan nilang tao.
Si Abi ay isang malambing na Kangaroo mula sa Alice Springs, isang Kangaroo Sanctuary sa Australia. Nailigtas si Abi noon nang matagpuan nila ito matapos pumanaw ang kaniyang ina.

Nang ma-rescue siya ng mga staff ng animal sanctuary ay talagang inalagaan siya nila nang husto. Batid din naman ni Abi na kung hindi dahil sa kanila ay wala siya ngayon sa maayos at komportableng buhay niyang ito.

Noong una ay hindi pa napupuna ng mga staff sa animal sanctuary ang ginagawang ito ni Abi na pagyakap sa kanila. Ngunit kalaunan ay nasanay na rin sila sa pagkayakap nito araw-araw sa kanila nang halos ilang taon na rin.

Maraming mga netizens din naman ang talagang natuwa sa video at mga larawan ni Abi kung saan makikita ang pagyakap niya sa mga ito. Walang pagsidlan ang kaniyang kaligayahan kung kaya naman ibinabahagi niya ito sa mga taong nakapaligid sa kaniya at sa mga taong nakakasalamuha niya.

Tunay nga na kung pagmamahal at pagmamalasakit ang ipapakita natin sa mga hayop na ito ay kayang-kaya rin nilang ibalik ito sa bawat isa sa atin. Nawa ay magsilbi itong inspirasyon sa nakararami na huwag ituring na hayop ang mga hayop bagkus ay bigyan din natin sila ng respeto dahil tulad natin ay mayroon din silang buhay at mga katapatan.


No comments:

Post a Comment