Wednesday, June 24, 2020

Foreigner Na Palaboy-laboy Sa Samar, Humihingi Ng Tulong!


Nakakadurog ng puso ang sitwasyon ngayon ng isang banyaga na galing umano sa bansang Sweden. Palaboy-laboy na lamang umano ito sa kalsada at wala na halos makain.

Ang naturang banyaga ay nagpakilala umano bilang si BO STALBERG na nakatira sa Mora, Sweden.

Sa Facebook post ng isang Aimee Romero Adelante nitong ika-22 ng Hunyo, ibinahagi nito ang kalagayan umano ngayon ng naturang banyaga.

“May nakasalubong akong foreigner palaboylaboy, walang face mask, naawa ako, kaya binilhan ko siya ng facemask lalo na't may COVID ngayon. Tapos nanghingi siya ng 20 pesos sakin kasi nagugutom daw siya…

“Yung pambili ko sana ng kerosene, binili ko nalang ng pagkain sa kanya at binigyan ko ng konting pera. Yun lang ang kaya kong maitulong sa kanya sa ngayon. Kung pwede ko lang sana siya ampunin, kaso baka dalawa na kaming mamumulubi,” kwento pa ng netizen na si Adelante sa kanyang Facebook post.


Dagdag pa nito, nais daw ni Stalberg na pumunta ng Maynila upang makauwi na sa bansa nito. Ngunit, dahil na rin sa lockdown ay hindi ito makaluwas. Dahil palaboy-laboy na lamang ito at wala halos makain, wala rin umano itong pera na magagamit sa pagkuha ng mga kakailanganin niyang papeles.

Madalas umano si Stalberg sa isang parking lot sa likod ng Gaisano sa Calbayog City, Samar. Doon na rin umano natutulog si Stalberg. Hindi naman umano nito isinaad ang dahilan kung bakit palaboy-laboy na lamang ito ngayon.

Ayon kay Adelante, nakiusap umano sa kanya si Stalberg na kunan ito ng larawan dahil nagbabakasakali itong makita ng kanyang mga kamag-anak at matulungan siya.

Binigyan rin umano ito ni  Stalberg ng isang papel kung saan isinulat nito ang ilang mga impormasyon tungkol sa kanya tulad ng pangalan, address, at contact number.


Heto ang nakasulat sa naturang papel na ibinigay ni Stalberg:

Pangalan: BO STALBERG
Tirahan: MORA, SWEDEN
Contact number: 09562218687
Email address: Stalberg923BO@hotmail

Nananawagan naman ngayon ang naturang netizen upang matulungan ang naturang foreigner lalo na sa pagkain nito.

“Para makauwi na siya sa kanila. Kung sino man po may mabuting puso, tulungan po natin siya, kawawa naman. Pagkain para sa araw-araw malaking bagay na po yun sa kaniya,” saad pa nito.

Base sa larawan ni Stalberg na ibinahagi ni Adelante, makikita ang malaking pagbabago nito ngayong palaboy na lamang ito at noong hindi pa ito palabay. Natunton din kasi nito ang umano’y facebook account ng banyaga.


Sa ngayon, ang Facebook post na ito ni Adelante ay umani na ng mahigit sa 120 000 reaksyon at mahigit sa 150 000 shares galing sa mga netizen.

Umaasa ngayon ang marami na sana ay mayroong makakilalang kamag-anak o kaibigan kay Stalberg upang matulungan ito.

Dahil naman sa nakakaawang sitwasyon na ito ng foreigner, maraming mga netizen ang hindi napigilang malungkot para rito. Dasal din umano ng mga ito na matulungan ang banyaga at nang makauwi na si Stalberg sa bansa nito.

Patuloy pa rin ang pagpapakalat ng naturang Facebook post upang makaabot ito sa sinumang nakakakilala kay Stalberg.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment