Monday, June 29, 2020

Isang Batikang Host, Nagreact Sa Body Shaming Kay Angel Locsin: ‘So What Is The Big Fuzz About Her Weight?’


Ipinagtanggol ng TV host at showbiz columnist na si Lolit Solis ang aktres na si Angel Locsin mula sa mga taong mayroong hindi magandang opinyon tungkol sa paglaki ng timbang ng aktres.

Sa kanyang Instagram post nitong ika-26 ng Hunyo, inilahad ni Lolit ang kanyang saloobin tungkol sa mga taong pinupuna si Angel dahil sa pagtaba umano nito.

“Kung madagdagan man ang timbang ni Angel Locsin, ganuon parin naman kaganda ang mukha niya Salve. Masyado naman pressure para kay Angel iyon lagi na ay pagbabantay ng tao sa kanyang hitsura,” saad pa ni Lolit.

Ayon sa kanya, madagdagan man umano ang timbang ng aktres, hindi nito naapektuhan ang katotohanan ng pagiging bukas ng palad ni Angel sa pagtulong sa mga tao. Mas importante naman ito kaysa sa timbang niya lamang.

“Ok tumaba ng konti, ok madagdagan ng edad, ok basta naman tulad ni Angel Locsin laging bukas palad sa pagtulong sa tao. Laging una si Angel Locsin sa mga artista na nagbibigay tulong, at makikita mo na pumupunta sa mga lugar kung saan puwede siya mag abot ng helping hands.


“So what is the big fuzz about her weight? Wala iyan, konti exercise lang payat uli, tutal ganda naman face,” dagdag pa ng talk show host.

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang mga larawan ni Angel kung saan, pinuna ng mga tao ang pagdagdag ng kanyang timbang. Malayo umano sa dating seksing katawan ng aktres ang katawan nito ngayon ayon sa naturang mga larawan.

Ngunit, katulad ng naging pagdepensa ni Lolit Solis kay Angel, mas nangibabaw din sa social media ang mga positibong komento sa pagiging totoo at pagbibigay umano ng inspirasyon ni Angel sa ‘body positivity’.

Hindi umano sukatan ng kagandahan ng isang tao ang hugis at timbang ng kanyang katawan kundi ang kabutihan ng loob nito na siya namang taglay ni Angel.


Mas nangingibabaw pa rin umano ito sa itinuturing ng lahat na ‘real-life’ Darna. Anuman ang maging timbang nito, wala pa ring makakapalit kay Angel bilang ang Darna ng mga Pilipino sa totoong buhay.

Anumang klase ng sakuna ang dumating, nangunguna ang pangalan ni Angel sa listahan ng mga taong unang nagpapaabot ng tulong. May kamera man o wala, subok na ang kabutihang loob ng aktres sa lahat ng mga nagdaang kalamidad sa bansa na inaksyunan nito.

Kaya naman, hindi kailanman kabawasan sa pagkatao nito kung magbago man ang anyo ng kanyang katawan. Bagkus ay mas naging dagdag inspirasyon pa ito sa marami na mahalin ang katawan anuman ang hugis at timbang.

Heto ang ilan sa mga naging opinyon ng mga netizen tungkol sa ‘body positivity’ na ipinapakita ni Angel:

“The Darna I grew up with is real, and she teaches everyone that you can be strong and beautiful in any shape you are in. Thank you, Angel Locsin.”


“No matter what her body size, the most important thing is having aclean and beautiful heart. Such a true Angel.”

“Angel Locsin is the definition of being beautiful inside and out no matter how much she gain or lose weight that doesn’t define who she is bc most people see her as a beautiful person with a golden heart. If you think body shaming her would make her irrelevant then think twice.”

Source: IG


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment