Friday, June 26, 2020

Isang Beauty Queen, Inirereklamo Dahil Sa Pagiging Kabit Umano Ng Isang Politiko


Marami ang nagulat nang ireklamo sa programa ni Raffy Tulfo ang Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel na isa umanong kabit ng isang pulitiko.

Lumapit kay Tulfo si Mylene Mangudadatu, 32, upang ireklamo ang kalaguyo umano ng kanyang mister na si Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu. Ang itinuturo niyang kabit umano nito ay ang beauty queen na si  Sharifa Akeel, 22 taong gulang.

“Being a beauty queen po, she should be a good example for everyone lalong lalo na sa sambayanang Pilipino at lalo sa mga kabataan na umi-idolo sa kanya.

“But, what she is doing right now, having an illicit affair with my husband is not a good example at all…

“Being a title holder of an international pageant, parang dapat ba… after ‘nung narating mo na nagkaroon ka ng titulo, meron ka na bang karapatan na mang-agaw ng asawa ng iba at manggulo ng buhay,” saad pa ni Mylene.



Ayon sa kanya, inamin mismo sa kanya ni Sharifa ang tungkol sa relasyon nito sa kanyang asawa. Ang mas malala pa umano ay nang magbato ng mga insulto sa kanya si Sharifa kung bakit hindi umano ito maiwan-iwan ng asawa ni Mylene.

Sa programa, mayroong dalang mga ebidensya si Mylene na magpapatunay umano sa totoong ugali ng beauty queen. Ang alam niya umano ay noong nakaraang taon pa nagsimula ang relasyon ng kanyang asawa at ni Sharifa.

Nasa Maynila ngayon si Mylene habang ang kanyang asawa at mga anak ay nasa Mindanao. Kasama rin ngayon ng kanyang asawa ang kalaguyo umano nito na si Sharifa.

“For someone who’s advocacy is women empowerment, ‘yung mga pinagsasabi niya sa ‘kin is not empwering at all…


“Ang akin po ay para mapahinto siya sa pagsali sa mga pageant na ito dahil questionable na po ang kanyang dignidad bilang isang babae at wala na po siyang karapatan i-reperesenta ang Pilipinas sa kahit anuman pong pageant na dinadala po ang pangalan ng Pilipinas,” dagdag pa ni Mylene.

Tinanong naman ni Tulfo si Mylene tungkol sa kultura ng mga Muslim kung saan pwedeng mag-asawa ang isang lalaking Muslim ng hanggang apat na beses kaya baka pakasalan lamang daw umano ni Cong. Mangudadato si Sharifa.

Depensa naman dito ni Mylene, mayroon na umanong ibang asawa maliban sa kanya si Cong. Mangudadatu kaya hindi na ito pwedeng magpakasal pa. Saad pa nga nito,

“...actually po kompleto na po ‘yung slots niya. Sa list of marriages po, kompleto na po.”


Dagdag pa ni Mylene, mayroon rin umanong batas sa kultura ng Muslim na dapat mayroong pahintulot ng mga asawa kung muling magpapakasal ang isang lalaki. Sa kaso ni Cong. Mangudadatu, maliban sa batas na ito ay mayroon din umano silang ‘prenuptial agreement’ na hindi ito magpapakasal nang walang pahintulot ni Mylene.

Dahil kasalukuyang nag-aaral ngayon si Mylene ng Law at mayroong kakayanang magsalita, hangga’t maaari ay gusto nitong bigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya lalo na ng babeng nanira sa kanyang pamilya.

“Binabalak ko po sanang sampahan ng kaso si Ms. Sharifa Akeel ng Psychological Abuse under VAWC po, at Alienation of Affection under Article 26 po of the Family Code of the Philippines,” paghahayag pa ni Mylene ng palno nito na magsampa ng kaso.

Ayon kay Mylene, inaasikaso na umano ng kanyang abogado ang naturang mga kaso.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment