Isang concerned netizen ang kamakailan lang ay mayroong inilahad na mga karagdagang dahilan umano kung bakit banned na sa ABS-CBN si Daryl Ong.
Ayon sa netizen na ito, ang mga ito umano ay mga bahagi ng kwento ni Daryl na hindi nito inilahad.
Duda umano ito sa inilahad na kwento ni Daryl na umano’y malaking dahilan ng pagkaka-ban nito sa network.
Ayon kay Daryl, ang dahilan na ito ng ABS-CBN ay dahil umano sa isang hindi nila alam na recording ng pag-uusap nina Daryl ay Bugoy tungkol sa franchise renewal ng Kapamilya Network.
“Sabi ni Bugoy na, '60,000 na lang kulang para mabuo yung one million.'
“Ako naman, nakita ko rin yun. Ang pagkakakita ko naman, 60,000 pa lang yung nagsa-sign. Sabi ko kay Bugs, 'Hindi 60,000 na lang. Sixty thousand pa lang. At anong petsa na?...
“Tapos, nagdadag ako ng comment, 'Naku, malabo na 'yan. mahirap na 'yan. Kalaban pa man din nila ang gobyerno. Si Presidente ba naman ang kalaban. So, malabo na 'yan…
“Dun na po nagtapos yung usapan namin regarding sa franchise issue,” kwento pa ni Daryl sa pangyayari.
Dahil umano sa naturang recording na ipinarinig sa mga big boss ng ABS-CBN kaya banned ngayon si Daryl.
Ngunit, duda ang netizen na ito sa inilahad ni Daryl dahil masyado umanong mababaw ang naturang mga rason. Maari umanong mayroon pang mga hindi magandang nasabi si Daryl tungkol sa network na hindi nito nabanggit.
Hindi lang naman umano si Daryl ang tanging Kapamilya na naglahad ng hindi maganda tungkol dito ngunit hindi naman ito ipina-ban ng network.
Kaya naman, ayon dito ay mayroon pa umanong mas malalim na mga dahilan kung bakit ito ang naging desisyon ng ABS-CBN kay Daryl.
Sa social media, inilahad ng netizen na ito ang kanyang mga nalalaman na ilan pa umano sa mga totoong rason kung bakit tuluyang na-ban si Daryl sa ABS-CBN.
Heto ang mga dahilan na tinutukoy ng nasabing netizen:
1. Hindi lang basta pagbibigay ng opinyon ang ginawa ni Daryl dahil may mga foul words s’yang binitawan laban sa ABS-CBN. Ang statement n’ya na narinig nung taong nagsumbong sa ABS-CBN boss ay something like, “Mga ugok sila! Presidente ba naman ang kinalaban nila. Wala na silang magagawa d’yan (sa franchise)!”
2. Hindi ni-record nung nagsumbong ‘yung conversation nina Daryl at Bugoy. Upon hearing them, sinabi na ‘agad nito sa ABS-CBN boss via messaging app ang mga napag-usapan ng dalawa.
3. Ang “recording” na sinasabi ni Daryl ay non-existent.
4. Nag-sorry ‘agad si Bugoy kinabukasan. Naging persistent s‘ya at kalaunan ay na-settle na ‘yung problema n’ya sa network. Okay si Bugoy sa ABS-CBN.
5. Nagtatampo lang ang ABS-CBN kay Daryl. Hindi s’ya totally banned sa network at never maging si Bugoy. Kung ikaw ay may nagawang mali o masakit na bagay sa employer mo, malamang na magdadamdam iyon at hihingin ang paliwanag mo. Pero hindi raw nag-reach out personally si Daryl.
6. Hanggang sa nagulat na lang ang mga tao sa ABS-CBN nung i-upload ni Daryl ‘yung vlog n’ya nang wala s’yang kinonsulta.
7. Hindi papatulan ng ABS-CBN si Daryl; dahil ayon sa source, “napaka-petty” ng issue na ginawa n’ya. Abala sila sa franchise renewal at sa iba pang mga mas importanteng bagay.
8. Si Bugoy, apparently, kaya tahimik sa social media, e dahil nalulungkot dahil nadamay pa s’ya sa vlog na ito ni Daryl. Nakakalungkot nga naman kung ‘yung taong pinagkakatiwalaan mo, hindi man lang nagpaalam sa ‘yo at gagamitin ka para sa vlog n’ya.
9. Imposibleng hindi maayos ang problem ni Daryl dahil tita n’ya ang business unit head ng isa sa mga content provider division ng ABS-CBN. Pinangalanan ng source ang tita ni Daryl at nakumpirma kong isa nga ito sa mga key people ng nasabing unit.
Dagdag pa ng netizen na ito,
“Hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ni Daryl. May lihim ba s’yang galit sa ABS-CBN? Dahil ba DDS s’ya? Nagpapaingay ba s’ya ng pangalan? Well, s’ya lang ang makasasagot n’yan…
“Never burn a bridge that you may need to cross again.”
Source: trendzph
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment