Isang babae sa China ang naging ala-longganisa ang laki at hugis ng labi matapos itong kagatin ng mga bubuyog.
Ang natura umanong pangyayari ng pagkagat sa kanyang labi ng mga bubuyog ay nakunan pa mismo nito ng video. Pati na rin ang unti-unting paglaki ng labi nito ay nakunan rin sa isa pang video.
Ayon sa naturang babae na nasa 29 taong gulang na ang edad, nangyari umano ito matapos siyang kumain ng honeycomb o pulot-pukyutan.
Sa naturang video, makikita nga ito na kinakain ang hawak na pulot-pukyutan.
“This is delicious!,” saad pa raw nito habang kumakain.
Pagkatapos kumain ay makikita na mayroong mga bubuyog na dumapo sa mukha ng babae. Makikitang kinagat nito ang bandang labi o bandang ilalim ng ilong nito.
Dahil sa sakit ng kagat ng bubuyog, napaiyak pa ito habang tinitiis ang sakit.
Hanggang sa nagsimula na ngang lumubo ang kanyang labi at nagmukhang longganisa ang hugis at laki. Dagdag pa nga ng mga nakikita sa naturang video, nagmukha umanong nagpaturok ng ‘fillers’ ang babae dahil sa labis na pamamaga ng labi nito.
Ang video naman na ito ng naturang babae ay agad na kumalat sa social media at naging trending. Sa katunayan, umabot na nga raw sa mahigit 10 milyon ang nakapanood nito.
Hindi naman matukoy o pinangalanan kung sino ang babaeng iyon.
Ayon sa ulat, ang nasabing babaeng sa video ay nagbabakasyon lamang umano sa Xiapu County sa syudad ng Ningde na bahagi ng Fujian Province sa eastern China.
“No bite of honey comes free. I’m terrified because my lip won’t stop swelling. That was a mistake!,” reaksyon pa umano nito tungkol sa nangyari sa kanya.
Ipinaliwanag naman umano nito kung bakit ito nangyari sa kanya. Habang nagha-harvest umano ng honey, kumuha umano siya ng pulot-pukyutan.
Ang mga bubuyog o bee ang siyang gumagawa ng mga honeycomb sa kanilang tahanan. Pinoprotektahan nila ang kanilang tahana kaya naman, ang basta-bastang pagkuha ng honeycomb ay nagiging rason ng pag-atake ng ng mga bubuyog.
Ito ang dahilan kaya ang mga nagha-harvest ng honey ay kailangang nakasuot ng proteksyon upang hindi masaktan sa pag-atake ng mga bubuyog.
Marahil ay hindi naging maingat ang naturang babae sa pagkuha ng pulot-pukyutan kaya ito inatake ng mga bubuyog.
Dahil sa nangyari, kinailangan na magpatingin agad sa doktor ang babae. Ginawa naman umano ito nito at laking pasasalamat na ito lamang ang kanyang inabot.
Ang pagkakaroon umano ng kagat ng bubuyog ay maaaring maging delikado para sa taong nakagat nito. Isa sa mga pinaka-karaniwan nitong epekto ay ang labis na pamamaga ng parteng nakagat ng bubuyog.
Ilan pa sa mga maaaring dulot nito ay ang paglabas umano ng mga makakati at mapupulang pantal sa buong katawan. Maaari rin umanong mahirapan sa paghinga ang nakakagat nito.
Dagdag pa umano dito ang pamumutla, pagsusuka, pagkahilo o pagkakawala ng malay, at maging diarrhea.
Kaya naman, ilang ulit nang payo ng mga eksperto na mag-ingat sa mga bubuyog lalong lalo na sa tahanan ng mga ito. Upang maging ligtas, sumunod na lamang sa payong ito.
Source: Unilad
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment