Monday, June 29, 2020

Sikat Na Volleyball Player, Pinagbintangan Na Isa Umanong Kabit Ng Kapitbahay


Nitong ika-29 ng Hunyo, inireklamo ng sikat na professional volleyball player at dating kasapi ng Philippine Women’s National Volleyball Team na si Gretchel Soltones ang isa umano niyang kapitbahay na mayroong pagbibintang at pagbabanta sa kanya.

Sa kanyang naikwento kay Raffy Tulfo, ayon kay Soltones ay pinagbibintangan umano siyang lesbian at kabit ng girlfriend ng kanyang kapitbahay. Umabot pa umano sa puntong pinagbantaan siya nito at ang boyfriend ni Gretchel.

Inirereklamo nito ang isang Kenneth Gavilan na wala naman umanong katibayan at puro maling hinala lamang umano ang hawak sa mga bintang nito sa kanya.

“Inirereklamo ko lang po si Kenneth Gavilan kasi pinagbibintangan niya po ako ng homewrecker tapos lesbian. ‘Yung pangatlo po is nagbanta po siya… ‘yung kaibigan niya. Pati ‘yung sa boyfriend ko, hinahamon niya ng barilan…


“Hindi ko nakausap ‘yung girlfriend niya kahit kailan, and hindi po kami friend sa fb at kausap ko po parati ‘yung boyfriend ko. Ngayon, gusto ko po, ilatag niya po lahat ng evidence niya against sa akin para maklaro,” saad pa ni Gretchel.

Nang binigyan ng pagkakaton ni Tulfo na magsalita ang naturang Kenneth, wala naman itong mailatag na kongkretong ebidensya o kahit nakita niya man lang umano si Gretchel at ang girlfriend nito. Kutob at hinala niya lamang umano ang mayroon siya na mayroon nga umanong relasyon si Gretchel at ang girlfriend nito.

“Oh? Eh teka muna. Sir, puro kutob ka lang sir, puro hearsay lang to sir, eh. Wala ka talagang concrete na ebidensya,” saad pa nga ni Tulfo.

Sa naging takbo ng usapan ng tatlo, wala talagang mailatag na ebidensya si Kenneth. Ayon sa kanya, ang tanging ebidensya niya umano ay ang isang voice recording ni Gretchel at ang kanyang girlfriend na nag-uusap umano.


Depensa naman ni Gretchel, boyfriend niya umano ang kausap niya ‘nun at mayroon siyang mga ebidensya na nagpapatunay nito. Kung tutuusin, isa umanong panghihimasok sa kanyang privacy ang voice recording na hawak nitong si Kenneth.

Kaya naman, saad pa ni Tulfo, mukhang napa-praning lamang umano itong si Kenneth at baka raw mayroon itong problema kaya nagkakaganoon.

Dagdag pa nga ni Gretchel, ang girlfriend na nga umano ni Kenneth ang minsang humingi ng pasensya sa kanya dahil kahit sino talaga umano ay pinagseselosan nito.

Payo ngayon dito ni Tulfo, baka raw umano mayroong problema si Kenneth tulad ng pagiging sociopath, obsession o anuman, kaya inalok niya ito na magpatingin sa isang psychiatrist. Bilang tulong, sagot na umano ni Tulfo ang lahat ng gagastusin dito.

Hindi naman direktang tinanggap ni Kenneth ang alok at saad na ito ni Tulfo tungkol sa kanya. Itinatanggi rin nito ang mga hinala ni Tulfo na baka mayroon itong problema o anuman.


Para naman kay Gretchel, magsasampa umano ito ng kaso sa kapitbahay. Ilan sa mga maaari umanong maikaso kay Kenneth ay Grave Threat at Cyber Libel.

Hindi lamang si Tulfo at Gretchel ang mayroong malaking hinala na mayroon marahil problema itong si Kenneth dahil sa pagiging praning nito.

Maging ang mga netizens na nanood ng programa ay mayroon ding parehong hinala. Sa sobrang pagmamahal marahil ay naging obsessed na ito sa girlfriend kaya kahit sino ay pinaghihinalaan o pinagseselosan nito. Baka nga raw mayroon talaga itong problema at kailangan nang kumonsulta sa isang professionan psychiatrist.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment