Tuesday, June 30, 2020

THROWBACK: Netizens, Inalala Ang Paghaharap Dati Nina Zoren Legaspi at BB Gandanghari


Naging malaking balita dati ang unang pagkakataon na maghaharap sa isang panayam sina Zoren Legaspi at BB Gandanghari.

Nangyari rin ito sa wakas taong 2012 kung saan, nakapanayam ni Zoren si BB. Naging maganda naman ang takbo ng usapang ito ng dalawa. Mula sa mapusong usapan ay umabot pa sa magaang na tawanan ang panayam na nangyari.

Sa mga tanong at kasagutan na ibinato ng dalawa sa isa’t-isa, maraming bagay ang nabigyang linaw. Halimbawa na lamang ay kung nagkaroon nga ba umano ng sama ng loob si BB kay Zoren.

“Honestly, wala. Kasi, sa totoo lang wala ka naman talagang kinalaman doon sa kung anuman ‘yung nangyari sa past ni Carmina at ni Rustom…

“Kung meron akong nararamdaman tungkol sa’yo, hindi siguro sama ng loob o galit kundi, pasasalamat actually… na I can see that you’re taking care of Carmina and I’m very happy.

“Ang gusto ko lang naman is mapunta sa maganda si Carmina. And I think she is very happy with you,” saad pa ni BB.


Dagdag pa ni BB, sa tatlong tao na gusto umano nitong kausapin dati bago siya umamin sa totoo niyang pagkatao, si Carmina lamang umano ang kanyang nakausap.

Nang pagkakataong iyon na mag-uusap sina Rustom at Carmina, nagpaalam umano noon si Carmina kay Zoren. Ani ni Carmina kay Zoren, utang na loob umano niya na kausapin si Rustom dahil kinausap din umano siya nito nang ito naman ang humiling na makipag-usap dati kay Rustom.

Sa naging pag-uusap na iyon, ayon kay BB ay nabuo umano ang malaking respeto niya kay Carmina. Ayon kay BB, biyaya umano para sa kanya na si Carmina ang naging parte ng buhay nito. Humingi rin umano ito ng tawad kay Carmina.

Muli ring iginiit dito ni BB na kung mayroon mang isang tao na nakakakilla kay Rustom ay si Carmina umano iyon.

Nang si BB naman ang nabigyan ng pagkakataon na magtanong kay Zoren, una nitong itinanong dito ay kung bakit gusto raw nitong makapanayam si BB.


“Gusto talaga kitang ma-interview, hindi ako… si Carmina because I want that closure in the eyes of the public.

“Gusto ko sanang masara siya and maintindihan ng publiko na it’s really not a big deal sa ating tatlo. It’s just a big deal dahil hindi pa tayo nagkikita-kita…

“Pangalawa, sa akin naman, the reason why gusto kitang ma-interview because I really want to get to know you dahil kasama ka sa past niya, eh. You’re part of the history na… hindi na ’yun mabubura kahit ano pang sabihin mo, you’re still included. Gusto kitang makilala,” sagot naman ni Zoren kay BB.

Dagdag pa ni Zoren, mas komportable umano ito na si BB ang kanyang nakapanayam kaysa kay Rustom. Mas magaan umano ang makapanayam si BB dahil magiging ‘guy to guy’ umano ang usapan kapag si Rustom ang nakapanayam nito.


Hindi rin inurungan ni Zoren ang tanong sa kanya ni BB kung gaanon niya umano kamahal si Carmina. Sagot naman dito ni Zoren, hindi pa umano siya nagloloko at wala itong planong gawin ang naturang bagay.

Natapos ang panayam na iyon nang parehong nakangiti at maayos ang pakiramdam ng dalawa sa isa’t-isa. Huling hirit pa nga ni BB kay Zoren, kung pahihintulutan ay gusto umano nitong makilala ang buong pamilya nina Zoren at Carmina.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment