Tuesday, July 7, 2020

Ang Malungkot Na Pagtatapos Ng Isang Love Story Na Naghatid Ng Lungkot Sa Mga Netizen


“I really thought I could spend a lifetime with you, I was wrong. I can no longer see your smiles, smell your scent, take a picture with you, and hug you. You are now my best memory and you will always be. I know you will guide us from above all the time…

“Don’t worry, I will still pursue our dreams, knowing that it will make you proud.”

Ganito malungkot na tinapos ng isang Mylene Punzalan ang pagkukwento nito sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Daniel John Ayap. Sa biglaan na pagpanaw ng kanyang boyfriend, ibinahagi nito sa isang Facebook post kung gaano naging malaking bahagi ng buhay nito si Daniel John o DJ.

Mula sa unang larawan nilang dalawa na magkasama, sinimulan ni Mylene ang pagkukwento sa naging masaya at puno ng pagmamahalan nilang relasyon.

Ibinahagi dito ni Mylene kung gaanong niligawan siya ni DJ sa paraan na mas lalo niya pa umano itong minahal. Mula sa paggawa sa mga pagsubok o challenges na ibinigay niya rito, hanggang sa panliligaw pa rin sa kanya ni DJ kahit sinagot niya na ito.


Ikinwento niya rin kung paanong naging malaking bahagi ang kanyang boyfriend sa kanyang buhay pati na rin sa pag-aaral. Mula sa mga surpresa, hanggang sa mga panahon na magkasama sila tulad nang pagre-review sa exam at pagtatapos ng magkasama.

“Pinatunayan niya na hindi lang siya magaling sa pagllead, kundi may ibubuga rin sa pag-aaral. Matalino si Dj, he's my human google, sobrang dami niyang alam, literal.

“At masaya ako kasi parehas kami nag eexcel, sa lahat ng aspect nang magkasama. Hindi toxic yung relasyon namin, talagang nagtutulungan kami para mag grow, sa pag-aaral, sa life and ofcourse kay Lord,” ani pa ni Mylene.

Naging saksi rin umano si Mylene sa kung paanong mas naging mabuti umano ang relasyon ni DJ sa mga magulang nito at maluwag na tinanggap ang sitwasyon ng kanyang pamilya.

Higit sa lahat, inilahad din dito ni Mylene kung paanong naging sentro umano ng kanilang pagmamahalan ang kanilang pagmamahal at pagsisilbi sa Panginoon. Ito umano ang isa sa mga bagay na nagpatatag sa kanilang relasyon.



Si DJ umano ang dahilan kung bakit mas naging mabuting tao si Mylene. Kaya naman, wala nang mahihiling pa si Mylene sa relasyon nito kay DJ.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi kailanman inaasahan nito.

Dahil sa lockdown, halos tatlong buwan na hindi nagkita sina DJ at Mylene. Ilang araw lamang matapos ang muli nilang pagkikita, mayroon umanong naramdamang mga sintomas sa kanyang katawan si DJ.

Nang mapa-check up, dito na nalaman na mayroong diabetes, UTI, at mayoron na ring bacteria ang dugo ni DJ.

Napakabilis umano ng mg pangyayari hanggang sa ibalita na lamang kay Mylene na naka-life support na lang umano ang boyfriend. Kaya naman, naang araw na pupunta na sana si Mylene sa ospital upang bisitahin ito, hindi niya na naabutan pa si DJ.

Sa pagkawala ni DJ, masakit man ay ipinagpasalamat na lamang ni Mylene na dumating ito sa kanyang buhay. Huling mensahe pa nito sa boyfriend,



“Sobrang dami kong realizations nung mga nakaraang araw, at talaga namang napakalaki ng impact ng buhay mo sakin. Kaya every time na madarapa ako, I’ll make sure na babangon ako at gagamitin ko lahat ng tinuro mo sakin, na palaging kay Lord sumandal. Sabi mo nga “God will provide a perfect time for us”, aantayin ko yung time na yon.

“Palagi akong titingin sa positive side ng reason ni Lord kung bakit ka niya kinuha. It’s an honor for me na gamitin ni Lord para mareach out ka at magkaroon ng relationship sa kanya.

“I want you to know na sobrang blessed ako kasi dumating ka sa buhay ko, sobrang dami kong natutunan sayo, sobrang laki ng tulong mo, at sobrang nagpagamit ka kay Lord para mag grow din ako.

“Masakit man itong biglaang pangyayari, pero gagamitin ko ‘to para ipagpatuloy ang goal natin at purpose ko.

“ALL PRAISES BELONGS TO THE LORD!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment