Wednesday, July 8, 2020

Janella Salvador, Inirereklamo Ng Kanyang Personal Assistant. Alamin dito!


Nitong ika-7 ng Hulyo, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang Michelle Pelongco na umano’y P.A. (Personal Assistant) ng aktres na si Janella Salvador. Ang kanyang inirereklamo dito ay ang Php 3600 umano na kulang sa kanyang sweldo na hindi ibinigay sa kanya ni Janella.

Ayon kay Michelle, kulang umano ng katumbas na 12 araw na sahod ang ibinigay sa kanya ng aktres bago siya nito paalisin. Nang tanungin naman ito ni Tulfo kung bakit ito pinaalis ng aktres sa trabaho, ayon sa kanya,

“May sinabihan akong handler niya po, ‘yong kinalahati sahod ko, biglang sinabihan ako na umalis na ako, ‘di ko deserve ang pagkain sa bahay.”

Sa kanyang mga pahayag sa programa, sumasahod umano si Michelle ng Php 8000 kada buwan kay Janella. Ikinagulat naman ni Tulfo ang halagang ito na msayado umanong maliit para sa trabaho ng isang P.A.

Kasama palagi ng isang artista ang P.A. nito. Sa tuwing mayroong taping o mga event ay kasama nito ang kanyang P.A. kahit abutin pa ito ng umaga. Kaya naman, ayon kay Tulfo ay dapat lamang umano na mas mataas pa dito ang sahod ni Michelle.


“Yung iba ko pong kasama, malalaki po yung sahod, kaya nagulat din po sila sa akin. Kasi yung P.A. daw po, hindi raw po biro yung trabaho,” saad pa nito.

Dagdag pa ni MIchelle, iba rin umano ang turing sa kanila ni Janella sa bahay. Dating kasambahay nina Janella si Michelle bago ito nito naging P.A.

Ayon sa kanya, iba umano ang kinakain nilang mga kasambahay kaysa sa kinakain nina Janella. Iba umano ang trato sa kanila ni Janella kaysa sa mga dati niyang naging amo.

Kilala ng karamihan ang aktres na si Janella dahil sa mahusay nitong pagganap sa mga karakter na ibinibigay sa kanya. Isa sa pinakahuli niyang pagganap na talagang hinangaan ng publiko ay ang kanyang pagganap sa teleseryeng ‘The Killer Bride’.

Dahil sa isa itong sikat na artista, ayon kay Tulfo, siguro naman umano ay mayroong naipong pera si Janella kahit nagsara na ang kinabibilangan nitong network.


“Kaya po siguro nagtitipid,” ani pa ni Michelle kung bakit hindi raw maibigay sa kanya ni Janella ang kulang niyang sahod.

“Marami po ‘yan pera pero… kuripot lang po talaga,” dagdag pa nito.

Ayon kay Tulfo, dahil hindi naman umano kalakihan ang perang hinihingi ni Michelle ay pwede umanong ito nalang ang magbibigay dito ng Php 3600. Ito ay kapag hindi umano talaga nagbigay ang panig ni Janella kay Michelle.

Kapag ito’y nangyari, ayon pa kay Tulfo ay mapapahiya umano ang aktres.

Sinubukang kausapin ng programa si Janella o kahit ang handler man lamang nito ngunit, ang sagott umano ng panig nito ay “We’ll get back to you.”


Isang araw matapos lumabas ang reklamong ito ng kanyang P.A., naglabas ng pahayag ang aktres na si Janella sa kanyang twitter account. Ito umano ang tanging pagakakataon na maglalabas siya ng pahayag tungkol sa naturang isyu.

Heto ang kanyang naging pahayag:

“I really don’t believe I have to defend myself because trial by media is not the appropriate venue for this.

“If you believe in your own lies and I really violated something, sue me.

“If you’re gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me… sorry, hun 3.6k is small and I would gladly give it to someone who deserves it.

“Not worth my time.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment