Nito lamang ika-21 ng Hulyo, Martes, nagpunta sa National Bureau of Investigation (NBI) si Miss Universe 2018 Catriona Gray kaugnay ng kumakalat umano nitong peke at malisyosong ‘topless’ na larawan sa social media.
Pinapaimbestigahan ni Catriona sa NBI kung sino man ang nasa likod ng pagpapakalat ng naturang mga larawan na negatibong nakakaapekto sa beauty queen. Base sa mga ulat, noong nakaraang linggo pa umano kumakalat sa social media ang naturang mga larawan.
Kasama ni Catriona sa pagpunta sa NBI ang kanyang abogadong si Atty. Christopher Liquigan. Ani pa nito,
“This is the reason why we are seeking the help of the NBI to be able to identify these people behind the account… These posts reek of malice. Obviously, the only intention is to tarnish my client, Ms. Catriona Gray.”
Ayon kay Catriona, ang naturang mga larawan ay halata umanong peke. Bago ito, nauna nang naglabas ng pahayag ang abogadong si Atty Joji Alonso, isa sa legal counsel ng beauty queen, tungkol sa naturang mga larawan. Nagbigay pa ito ng babala para sa mga taong nasa likod umano ng pagpapakalat ng malisyong mga larawan.
“We are actively coordinating with authorities to hold accountable whoever is behind this scheme and face penal sanctions accordingly. We will likewise take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo…
“We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered. We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray,” saad pa ni Atty. Alonso sa kanyang naging pahayag bago ang pagpunta ni Catriona sa NBI.
Ayon naman kay NBI Deputy Director Vicente de Guzman III sa ginanap na press briefing sa NBI Headquarters, kahit sino umano ang taong matutuklasan nila pagkatapos ng gagawing imbestigasyon sa kung sino man ang nasa likod ng naturang mga malisyosong larawan ay siguradong mapaparusahan.
Una na ring naiulat ang balak ni Catriona na magsampa ng kaso sa mga taong tao.
“The reason why the NBI is conducting an investigation is to determine the persons accountable for its posting in the social media. Kahit sino tamaan niyan icha-charge namin,” saad pa ni de Guzman.
Sinisiguro umano ni de Guzman na hahanapin nila ang tao o ang mga taong ito na responsable sa pagpapakalat ng mga pekeng larawan ni Catriona. Pagdidiin naman ng abogado ni Catriona,
“We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray.”
Kasama ang aktor na si Sam Milby, matatandaang naging trending si Catriona sa social media dahil sa iba’t-ibang mga akusasyon at haka-haka na kumakalat patungkol dito. Nagsimula ito dahil sa umano’y mga misteryosong Instagram stories na ibinahagi ng ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad na sa paniniwala ng iba ay may kinalaman kay Catriona at Sam.
Matapos nito, nagsimulang kumalat ang iba’t-ibang mga alegasyon laban sa beauty queen na dinepensahan naman ng kanyang mga kaibigan at maging ni Sam.
“One’s silence doesn’t imply guilt. It has been our initial choice not to dignify nor respond to all these baseless claims… I will always be here for her and will do everything in my power to protect her,” saad pa ni Sam.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment