Madalas, kinaiinisan sa isang komunidad ang mga tsismosa at tsismosa dahil sa hilig ng mga ito na alamin at pag-usapan ang buhay ng iba. Sa katunayan, ilang beses na ngang nagkaroon ng mga kaso kung saan, inirereklamo ang mga tsismoso’t tsismosa dahil nakakapinsala na ang mga ito.
Ngunit, sa panahong ito umano kung saan kinakailangan ng mga kapulisan at awtoridad ng maraming impormasyon tungkol sa mga tao sa tuwing mayroong gagawing contact tracing, kinakailangan umano nila ang abilidad na mayroon ang mga tsismoso at tsismosa.
Ito ngayon ang naisip na paraan ni Police Regional Office (PRO) 7 chief Brigadier General Albert Ignatius Ferro upang mapadali umano ang proseso ng contact tracing lalo na sa mga barangay.
Isa sa mga proseso sa tuwing nagkakaroon ng positibong kaso ng COVID-19 ay ang agad na paghahanap sa mga taong nakasalamuha ng pasyente o ang tinatawag na contact tracing. Sa pamamagitan ng cotact tracing, nalalaman ng mga awtoridad kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng pasyente at nang ma-isolate din ang mga ito.
Sa ganitong paraan, naiiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19. Kaya naman, importante ang proseso ng contact tracing sa mga awtoridad gaya ng kapulisan upang mapuksa na ang virus sa bansa.
Ayon umano kay Ferro, dahil sa dami umano ng alam ng isang tsismoso o tsismosa, mapapadali umano ang trabaho ng kapulisan lalo na’t alam din umano ng mga tsismoso at tsismosa ang halos lahat ng pangyayari sa isang lugar dahil sa pagiging mausisa ng mga ito.
Sa panahon ngayon na laganap ang COVID-19, siguradong ang mga tsismoso’t tsismosa umano ang isa sa pinakunang may alam kung sino at saan ang panibagong kaso ng virus.
“I heard last night what you call this mga tsismosa brigade. Mga at least mga tsismosa brigade they could be a good source of ano daw sabi pa ni asa to nga lugar murag sa Bulacan. (Mga at least mga tsismosa brigade they could be a good source of ano daw sabi pa ni sa isang lugar na parang sa Bulacan.)...
“Sabi nila na mga tsismosa we ask you to help us sa contact tracing. So ana, baka kasi tong naay dili lang paglibak naa silay maayong matabang (So ayun, baka kasi itong mga tsismosa ay hindi lang pagtsismis ang alam, baka mayroon din silang maitulong,” saad pa raw ni Ferro tungkol sa plano.
Una niya raw narinig ang naturang ideya sa ilang mga opisyal sa Bulacan kung saan, ginagamit na rin daw ang mga tsismosa para sa mas madaling proseso ng contact tracing.
Sa ngayon, ang Cebu City sa Visayas na siyang isa sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa ay mayroon umanong mahigit sa 134 contact tracing teams. Maliban dito, ang bawat barangay umano sa Cebu ay may kanya-kanya ring conatct tracers. Ang contact tracing teams na ito ay kinabibilangan ng mga pulis, bumbero, at mga medical personnel.
Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 68 000 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Mahigit 23 000 sa mga ito ay gumaling na habang mahigit naman sa isang libo ang pumanaw.
Sa kabila ng mga solusyong ipinapatupad ng gobyerno, ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay patuloy pa rin sa pagtaas na siya namang lubusang ikinababahala ng marami.
Source: sunstar
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment