Friday, July 31, 2020

Raffy Tulfo, Binisita ng Isang Sikat na Artista dito sa Pilipinas sa kanyang Taping. “It’s a pleausre to meet the King of TV5.”



Sa unang pagkakataon ay nagkita at nagkaharap sina Kris Aquino at Raffy Tulfo nang matuloy na sa wakas ang pagiging bahagi ni Kris ng TV5.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kris ang naturang pangyayari kung saan, tinawag nitong ‘King of TV5’ si Raffy.

“Hello, I’m a fan. It’s a pleasure to meet the King of TV5,” ani pa ni Kris kay Raffy nang tuluyan na silang magkaharap.

Binati naman pabalik ni Raffy si Kris at pinuri rin ito bilang reyna naman umano ng telebisyon. Saad pa ni Raffy,

“I’m a fan, too. No, you’re the queen of TV.”



Dito, inihayag naman ni Kris ang kanya umanong kagustuhan na sana raw ay magkasama sila ni Raffy sa iisang programa. Ayon kay Kris, bilib umano siya sa radio at tv host dahil sa ginagawa umano nitong pagtatanggol sa mga kababaihan.

“You’re on my wishlist. Gusto ko talaga magka-talk show with you. Sana mangyari…

“Sana in the future, kasi parang I like the way you stand up for women. Kasi talagang ano kinakampihan mo ang mga babae at pinagsasabihan mo talaga ang mga lalaki. I’ve really been watching… ,” ani pa ni Kris.


Natuwa naman si Raffy sa pahayag na ito ni Kris at sinabing titingnan umano nito baka nga mangyari ang gustong programa ni Kris.


Dagdag papuri pa nga raw ni Raffy kay Kris, mas maganda umano ito sa personal na siya namang agad din na sinang-ayunan ni Kris mismo.

Ayon kay Kris, talagang napabilib umano ito sa kabaitan na ipinakita sa kanya ni Raffy Tulfo. Natutuwa umano ito sa mainit na pagtanggap na ipinakita sa kanya ng kapwa host sa bagong network na kanyang kabibilangan.

Kaya naman, hindi na nito napigilan pa ang sarili na ihayag ang tuwa sa parehong pagkikita nila ni Raffy at sa tuluyan nitong pagiging bahagi ng TV5.

Heto ang naging buong pahayg ni Kris na kanyang ibinahagi sa Instagram:


The King of Public Service @raffytulfoinaction made me feel so welcome... i’m very much aware kung sino lang po ako sa mundo ng Tv5 (baguhan na maraming dapat patunayan) and that he is their reigning king (not to mention the fact that he is the 🇵🇭 King of YouTube).

“But, Raffy & his kind staff lent me his dressing/conference room and told me to feel free to use it anytime i’m in the compound. They also lent his studio for my promo shoot. And he went out of his way to come down when he knew patapos na ko so that we could meet face to face…


“kahit alam ko naman fina-flatter lang nya ko when he said “mas magandang maganda ka sa person” - hindi nya kinailangan to be nice to me that’s why it was all the more appreciated.
P.S. i really wasn’t going to post our face to face meet up, but nakita ko that they had kaya i felt okay na to upload so that i could also tell all of you that if 1st impressions really matter-

“sobrang mas napahanga ako sa pagka gentleman & sa generosity ni Raffy Tulfo.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment