Thursday, July 30, 2020

Umano’y Anak ni John Regala sa Batangas, Nais Makilala ang Aktor



Dahil sa kasalukuyang kondisyon ng aktor na si John Regala, mas lumaki pa ang kagustuhan ng kanya umanong anak sa Batangas na makilala ang aktor.

Simula noong bata pa lamang, hindi na umano nikalala, nakasama, o nakausap man lang ng 24 taong gulang na si John Santos ang kanya raw biological father na si Regala.

Kaya naman, noon pa man ay hinanap niya na umano ito dahil nais niyang makilala ang aktor na kanyang ama.

Sa isang sikat na pahayagan, humingi ng tulong si Gloria Silva del Mundo, isang kagawad sa Tanauan sa Batangas upang makilala ng binata ang kanyang matagal nang hinahanap na ama. Si Santos umano ay malapit na kaibigan ng anak ng naturang kagawad kaya gusto nitong matulungan ang binata.


Ayon sa kwento ni del Mundo, nagkakilala umano si Regala at ang ina ni John sa Japan kung saan umano ito nagtatrabaho bilang isang entertainer. Nagkataon din umano na ang totoong pangalan ng ina ni John ay Vilma Santos na kapangalan ng sikat na Star For All Seasons.

Ngunit, nang mabuntis umano ni Regala ang ina ni John, hindi umano naniwala ang aktor na siya ang ama ng dinadala ni Vilma. Kaya naman, lumaki si John nang hindi nakakasama o nakikilala man lang ng kanyang ama.

Mula sa Japan, umuwi umano ang batang si John sa Pilipinas noong ito’y pitong taong gulang pa lamang at tumira kasama ang kanyang lola.


“Nagkakilala po sila ni John Regala sa Japan dahil entertainer siya [Vilma]. Nalaman ni John Regala na nagbuntis si Vilma, pero hindi siya naniwala na siya ang ama ng bata…


“Noong seven years old si John [Santos], umuwi siya sa Batangas mula sa Japan. Ang lola niya ang kumupkop sa kanya… Kamukha po si John ng father niya. Malaki siyang tao, kamukhang-kamukha siya ng tatay niya. Mabait siya…

“Itong bata, matagal nang hinahanap si John. Hindi pa niya nakikita si John Regala mula noong seven years old siya.” pagkukwento pa ni del Mundo.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na humingi ng tulong si John upang mahanap ang kanyang ama. Noong panahon umano na pumutok ang bulkang Taal, nagpunta sa Batangas ang aktres na si Ynez Veneracion.

Humingi rito ng tulong si John na makilala ang ama ngunit, bagama’t ipinangako ng aktres na tutulongan ang binata ay wala umanong nangyari.


Kaya naman, ngayong napapabalita ang aktor na mayroong palang kinakaharap na sakit, mas nais ni John na makilala ng tuluyan at sa unang pagkakataon ang ama.

“Kagaya ngayon, may sakit na si John Regala, sana man lang magkita ang mag-ama. Parang ang sabi raw po nung tatay, hindi siya sigurado na anak niya si John [Santos]. Pero ang sabi ng ina, si John Regala ang tatay. Hindi naman siguro late na para magpa-DNA test sila,” dagdag pa ni del Mundo.


Kagaya ni John, umaasa ngayon si del Mundo na magkita na sa wakas si Regala at ang anak nito na kailanman ay hindi pa nito nakikilala. Sa matagal na panahon na paghahanap ni John sa ama, isa sa mga pangarap nitong mangyari ay ang makilala sa wakas si Regala na kanyang ama.

Source: PEP
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment