Friday, July 17, 2020

Xander Ford, isa Umanong ‘BISEXUAL’: “I am part of LGBTQ”


Nitong Biyernes, ika-17 ng Hulyo, mayroong inanunsyo ang umano’y internet sensation at kamakailan lang ay naging kontrobersyal na si Xander Ford.

Sa kanyang Instagram account, mayroong inilahad si Xander ukol umano sa kanyang tunay na kasarian. Dito, inanunsyo ni Xander na kasapi umano siya ng LGBTQ dahil isa siyang ‘bisexual’. Saad pa nito sa kanyang IG post,

“Being one of them is not a crime. #Bahaghari”

Kaugnay nito, sa kanya ring Instagram stories ay mayroong ipinahiwatig si Xander tungkol sa naturang kasarian. Aniya,

“I am part of LGBTQ #BISEXUAL”


Magkasunod na IG stories ang ibinahagi ni Xander kung saan, isa sa mga ito ay nagpapahiwatig naman ng pasasalamat niya umano sa mga taong tumanggap sa kanya.

Hindi pa nakuntento dito ang 21 taong gulang na si Xander at maging sa description ng kanyang verified IG account ay mayroon ding nakasaad na ‘Bisexual’ at bahaghari.

Ang anunsyong ito ni Xander ay ilang linggo lamang matapos ang pagiging trending nito dahil sa kinasangkutang isyu sa kanyang dating girlfriend. Naging kontrobersyal ito matapos ireklamo at ilahad ng kanyang dating girlfriend ang pisikal na pananakit rito ni Xander at maging ang umano’y ‘sexual assault’.

Ang huling balita tungkol sa naturang kontrobersiya ay masasampahan na umano ng kaso si Xander dahil sa mga pananakit na ginawa nito sa dating girlfriend.

Samantala, halu-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa anunsyong ito ng umano’y internet sensation. Ngunit, hindi maitatanggi na karamihan ay negatibo ang naging reaksyon sa anunsyong ito ni Xander.


Kapansin-pansin din na marami sa opinyon ng mga ito ay may kaugnay pa rin sa dating kontrobersiya na kinasangkutan ni Xander. Malaki ang pagdududa ng mga netizen sa hakbang na ito ni Xander na baka raw ay mayroong kinalaman sa kinakaharap nitong kaso matapos ang pananakit sa dating nobya.

Heto ang ilan sa mga naging reaksyon ng publiko sa ibinahaging anunsyo na ito ni Xander:

“Gumagawa ka na naman ng bagong issue para mapansin ka yata… hayyyy”

“Nakasuhan ka lang ng rape bigla ka nagbago ng kasarian??? Huwag gamitin ang LGBT community para matakasan kasalanan mo.”

“It’s not a crime. Pero ‘yung pangre-rape na ginawa mo? YES! Konting hintay lang. Gusto mo nga buntisin agad ex mo eh, tapos dadamay mo pa ‘yung LGBT community. Tanong mo kaya kung welcome ka!”

“Ul*l! Pagkatapos ma-Tulfo magpapahayag ng ganito. Hahahaha naghanap ng mga sisimpatya.”


Bago ang anunsyong ito at ang kontrobersiya na kinasangkutan kasama ang dating girlfriend, ilang beses na ring naging trending si Xander dahil umano sa ugali nito.

Bagama’t marami ang nambabash kay Xander dahil sa kanyang mukha, malaking bahagi rin naman umano ng mga pambabatikos na natatanggap nito ay dahil din sa kanyang hindi magandang asal.

Bago magbago ng pangalan at magpakilalang si Xander Ford, kilala muna ito bilang si Marlou Arizala na miyembro ng boy group na Hasht5. Nagpaayos ng mukha si Xander sa tulong ng isang programang bago tuluyang magkaroon ng bagong pangalan.

Source: gmanetwork
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment