Hindi makauwi sa Cebu ang isang dating Overseas Filipino Wroker (OFW) na nasa Bulacan umano ngayon dahil sa kawalan ng pera. Dagdag pa umano dito ang pagtatakwil sa kanya ng kanyang misis na meron na umanong ibang lalaki.
Ganito ang sitwasyon ngayon ng 52 anyos na si Mang Jose. Dahil sa nakakaawa nitong sitwasyon, isang concerned citizen ang nagbahagi ng kwento ni Mang Jose sa social media upang kahit paano ay makahingi ng tulong.
Sa ibinahaging Facebook post ng isang Rosemarie Peñamora Tan, ikinwento nito ang nangyari umano kay Mang Jose na naabutan umano ng lockdown sa Bulacan.
Ayon sa netizen, nakatanggap na lamang umano ng text message si Mang Jose galing sa misis nito sa Cebu na ayaw na nitong umuwi pa ang asawa dahil mayroon na daw itong ibang gusto.
“Dating OFW na umuwi ng Cebu, pinapunta ng misis niya sa Bulacan dahil may pamangkin daw syang may sakit kaya agad syang pumunta at naabutan ng lockdown.
“Tapos, nakatanggap siya ng text message ng misis niya, ‘Wag kana bumalik dito sa Cebu. Ayoko na sa’yo, may iba na akong gusto’. Really breaks my heart,” paglalahad pa ng netizen sa nakakaawang kwento ni Mang Jose.
Upang kahit papaano ay makatulong, binigyan umano ng netizen si Mang Jose ng isang libong piso, bigas, bitamina, at mga de lata.
Naiwan rin umano ni Mang Jose sa Cebu ang dalawang anak nito na sobrang malapit umano sa kanilang ama. Ito ang dahilan kaya gusto na ng dating OFW na makuwi sa Cebu.
“Panawagan niya ay makauwi siya sa Cebu dahil sa dalawang anak n’yang babae na 1 yr old at 4 yrs old lamang na sobrang maka tatay daw,” dagdag pa ng netizen.
Naging trending naman ang naging post na ito ng netizen na si Rosemarie at maraming tao ang katulad nito ay nadurog rin ang puso sa kwento ni Mang Jose. Hiling ng mga ito na kumalat pa ang post upang makaabot sa mga kamag-anak ni Mang Jose.
Sa ngayon, libu-libo na ang mga komento at shares na nakakalap ng naturang post. Karamihan sa mga komento nito ay tungkol sa mga hiling na bumuti na ang sitwasyon ni Mang Jose at makauwi na umano ito ng ligtas sa Cebu.
Kamakailan lang, ang sitwasyon ni Mang Jose ay naibalita na rin sa GMA News. Kasama umano ngayon si Mang Jose sa mga LSI o locally stranded individuals na nasa labas ng Manila North Harbor. Kasama ng iba pa, naghihintay umano ngayon si Mang Jose na makauwi ng probinsya.
Sa naturang ulat, napag-alaman din na dati na pala umanong na-stroke si Mang Jose. Sa mga larawan na ibinahagi rin sa naturang ulat, makikita na natutulog lamang si Mang Jose at ang iba pang mga naroroon sa ipinagtagpi-tagping mga karton.
“Siya si Mang Jose, isang 52-anyos na na stroke ngayong taon ang kabilang sa mga LSI o locally stranded individuals na nasa labas lang ng Manila North Harbor at naghihintay makauwi sa probinsya.
“Sa karton na inilatag sa bangketa natutulog si Mang Jose. "Walang-wala na talaga ako. Hindi ko na alam po kung anong gagawin ko," ang sabi ni Mang Jose sa GMA News,” saad pa sa naturang ulat.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment