Hindi sekreto sa publiko ang maagang pagbubuntis ng aktres na si Andi Eigenmann noong ito’y 21 taong gulang pa lamang. Sa katunayan, naging malaking balita pa nga ito kung saan tumanggap ang batang aktres ng kaliwa’t kanang mga pambabatikos.
Ito ang inalala ni Andi, o Andrea Nicole Guck Eigenmann sa totoog buhay, nang makapanayam ito ni Dimples Romana sa isang social media live stream.
Malayo sa mga papuri na natatanggap ngayon ni Andi dahil sa bago at masayang buhay na mayroon ito ngayon, dati ay pinutakte ng mga panghuhusga at pambabatikos ang aktres dahil sa maaga nitong pagbubuntis sa anak na si Ellie.
Ayon kay Andi, nang mga panahong iyon, bagama’t 21 taong gulang na ito ay marami umano ang nag-aakala na 16 taong gulang pa lamang ang aktres.
Naapektuhan umano noon ang aktres dahil sa mga ito at maging siya raw ay napapaniwala rin sa mga ibinabato sa kanyang mga panghuhusga.
“People thought I was 16, for some reason! So all the more I got those words from those people,
“Because I didn't really even know who I was at that time... Parang kapag may nagsasalitang tao, 'Ay ganyan ba ako? Ah, oo, ganyan nga ako,',” pagkukwento pa ni Andi.
Nabuntis si Andi ng dati nitong karelasyon na si Jake Ejercito. Ang panahong ito umano ang itinuturing ng aktres kung saan nakatanggap ito ng pinakamaraming negatibing mga komento, opinyon, at pahayag.
Kung matatandaan, halos hindi lubayan ang aktres ng isyu na ito na kanya na ngayong nalampasan. Ilang taon matapos nito, ibang-iba na ang pananaw ngayon ng mga tao kay Andi.
Ngayon na mayroon na itong dalawang anak, sinisikap umano ni Andi na maging ‘hands-on’ sa pag-aalaga sa mga ito.
Malayo sa nakagisnang marangya at magarbong pamumuhay, inspirasyon ngayon para sa marami si Andi dahil sa tahimik at simpleng buhay na pinili nito. Naninirahan ngayon ang aktres sa isla ng Siargao na talaga namang minahal ni Andi.
Dito niya rin nakilala ang kanya ngayong karelasyon na si Philmar Alipayo, isang professional surfer. Ang simple at tahimik na pamumuhay sa tabing-dagat sa Siargao ang siya ngayong niyayakap ng aktres.
Bagama’t hinala ng marami ay ang showbiz umano ang dahilan kung bakit nagbagong buhay si Andi, ayon sa aktres ay iba umano ang dahilan kung bakit mas ginusto nito na mamuhay ng simple.
Pinili niya umano ito para sa kanyang sarili at para na rin sa kanyang mga anak.
“Now kasi na talagang ang dami ko ng time, kumbaga nabigay ko na sa sarili ko iyong goals ko as a parent na, which is, to be more hands-on, ang babaw lang noon…
“Pero I guess, that goes to show how big of a deal it is to me to be the kind of mother I want to be. Hindi kasalanan ng showbiz… It's just that I wanted different things for myself and for my kid,” ani pa ni Andi.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment