Saturday, August 15, 2020

Daniel Padilla to Girlfriend Kathryn Bernardo: “Kahit walang ayos ‘yun, napakaganda ng babaeng ‘yun”



Kaswal na ipinagmalaki ng aktor na si Daniel Padilla ang ka-loveteam at real life girlfriend na si Kathryn Bernardo sa kanyang mga kaibigan na siya namang kinakiligan ng mga tagahanga ng dalawa.

Sa isang video clip na kumakalat ngayon sa social media, makikita si Daniel na kausap live at online ang kanyang mga kaibigan. Dito, maririnig ang aktor na hinahanap si Kathryn habang pasimple itong ipinagmamalaki sa mga kaibigan.

“Anyway ano na please balitaan n’yo ko tungkol kay Kathryn. Asan na s’ya gusto ko siyang makausap dito. Kahit walang ayos ‘yon napakaganda ng babaeng ‘yon hindi n’ya na kailangan mag-ayos…

“Ano na asan na si Kathryn,” ani pa ni Daniel.


Marami na naman ang umano’y naloka sa kakaibang ‘sweetness’ na ito ni Daniel kay Kathryn. Kaya naman, ang video na ito ay kalat na kalat na sa social media at paulit-ulit na pinapanood ng mga taga-suporta ng dalawa.

Talaga nga namang inlove na inlove umano si Daniel sa girlfriend na siya namang kinakiligan at kinainggitan ng maraming kababaehan na nakapanood ng naturang video clip.

‘Perfect boyfriend’ na nga talaga umano si Daniel dahil maliban sa pagiging sobrang gwapo at bait nito, mahal na mahal pa umano nito si Kathryn.

Napapa-’sana all’ na lamang ang marami dahil sa swerte umani ni Kathryn kay Daniel. Biro pa nga ng iba, ang haba-haba na raw ng buhok ng aktres.


Dagdag pa ng marami, maging Instagram account nga umano ni Daniel ay halos tungkol lamang umano sa mga larawan nilang dalawa ni Kathryn, o di kaya ay mga solong larawan lamang ng girlfriend.

Sa walong taon umano na pagiging magkarelasyon nina Daniel at Kathryn, nakakatuwa umano na makitang napakatibay pa rin ng pagmamahal na mayroon ang mga ito sa isa’t-isa.


Heto pa ang ilan sa mga kinikilig na komento ng mga netizen sa naging pahayag na ito ni Daniel tungkol sa girlfriend:

“HINDI KO KINAKAYA SI DANIEL TEKA LANG!!!!!!!!!!!!”

“si daniel ford yung kapag lasing sobrang clingy type na boyfriend kay kath– feeling ko lang na lasing siya pero kasi e, asan ba kasi si kathryn!!”

“apaka naman Daniel huhuhu asan ka daw kasi Kathryn”


“grabe yung inlove na inlove na daniel, “asan na ba si kathryn” “kahit hindi magayos si kathryn ang ganda ganda niya” “si kathryn ayaw bang sumali dito” aaaa jusko po”

“sana may live nguya tapos tamang usap lang at tamang kinig lang tayo, tapos sana wa'g madaling araw tapos si daniel puro kathryn nanaman tapos sana all may daniel ford.”

Bago maging trending ang video clip na ito ni Daniel, una nang maging trending ang aktor nang magpamalas naman ito ng kabutihan sa isang tricycle driver na nakabangga ng kanyang sasakyan. Imbes na magalit ang aktor dito ay ito pa umano ang nagbigay ng pera sa naturang tricycle driver.

Dahil sa kabutihang loob na ito ni Daniel, hindi na naman maiwasan na pangarapin ng maraming kababaehan ang aktor. Isa na naman umano itong dahilan kung bakit napakaswerte ni Kathryn na boyfriend nito ang isang Daniel Padilla.


Source: facebook
Source Video: Twitter

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment