Saturday, August 22, 2020

Awra at Buknoy, Nagkasagutan sa Twitter; Xander Ford, Nakisali na rin sa Bangayan!



Nagsimula ang lahat ng ito nang muling maging paksa ng mga netizen ang umano’y vlogger na si Buknoy matapos itong maglabas ng isang video kung saan, makikita itong naglalakad sa gitna ng kalsada sa gitna ng gabi nang wala man lang suot na face mask at nagsisi-sigaw pa.

Dahil sa video niyang ito, umani na naman ng mga pamababatikos si Buknoy mula sa publiko. Ani ng mga ito, hindi na raw natuto si Buknoy at ngayon ay mukhang ‘proud’ pa umano sa ginawa nitong pagpapasaway.

Kabilang sa mga taong ito na bumatikos kay Buknoy ay ang artistang si Awra. Sa isang Twitter post, pinariggan ni Awra ang vlogger tungkol sa mga paglabag na ginawa nito.

“SANA ALL NAKAKALABAS NG WALANG FACEMASK, SANA ALL NASUNOD SA PROTOCOL AT SANA ALL WALANG CURFEW YUNG LUGAR,” ani pa ni Awra.


Ang reaksyon na ito ni Awra ay sinuportahan ng marami lalo na’t tama naman umano ang punto nito at malaking pagkakamali talaga ang ginawa ni Buknoy.

Ngunit, hindi nagustuhan ni Buknoy ang ginawang ito ni Awra kaya sa isa ring Twitter post, nagparinig din si Buknoy kay Awra at sinabing sinisiraan umano siya nito. Saad nito,

“Laki talaga ng galit saken ng isang influencer Dyan,imbis na idm ako para Sabihan na mali ako siniraan panga.”

At dito na nga nagsimula ang pagpapalitan ng sagot ng dalawa. Muling tweet pa ni Awra para kay Buknoy,

“be katakot ka idm baka ma edit nanaman, remember last time?


“bakit kase nag aantay ka na may magtama sayo di mo kayang itama sarili mo?”

“Hala Wala pokong alam,Alam kolang ang laki ng galit mo sakin,” sagot pa rito ni Buknoy.


“Hala kelan ka mag kakaalam?” sarkastikong sagot ulit ni Awra kay Buknoy.

“Kapag dinyo napo ko sinisiraan ate,Sana maintindihan nyo na wala naman akong ginawang masama sadyang Ikaw Lang nagpalala,” ani pa ulit ni Buknoy.

Sa nangyaring sagutan ng dalawa, di hamak na mas lamang umano si Awra kaysa kay Buknoy na hindi umano nila alam kung anong pinaglalaban. Ani ng mga ito, imbes na humingi ng tawad ay talagang mas pinalaki lamang umano ni Buknoy ang gulo.

Wala pang 24 oras mula nang huling sumagot si Awra ay nakisali naman sa bangayan si Xander Ford na nasa panig ni Buknoy.

Ani ni Xander, mayroon umano itong ilalabas na ‘convo’ ni Awra ngunit, pinigilan muna raw ito ni Buknoy.

“Hoy bes wag, ayoko syang mabash ok nayung ako nalang muna sangayon,,,” ani pa ni Buknoy.

Hindi naman nagpatinag si Awra at isang simple ngunit malamang tweet ang isinagot sa pagpaparinig na ito ng dalawa. Ayon pa kay Awra,



“ANG GOALS NG FRIENDSHIP NYO.”

Inaabangan na ng mga netizen ang susunod na sagot ng sinuman sa tatlo ngunit, kasabay nito ay ang mga tweets kung saan patuloy ang pambabatikos kay Buknoy at pagtatanggol naman para kay Awra.


Ani pa nga ng karamihan sa mga netizen, hindi umano nila alam kung bakit nagagawa pa ni Buknoy na ipagtanggol ang sarili kaysa aminin na lamang ang naging kasalanan at humingi ng tawad. Mas lalo lamang umano itong ibabash ng mga tao lalo na at nakipagsanib-pwersa pa ito sa isa rin umanong ‘influencer’ na wala ring maayos na ginawa.

Source: Facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment