Friday, August 21, 2020

KC Concepcion, Kinwestyon ng Isang Netizen Tungkol sa mga Sexy Photos Nito sa Instagram


Nitong nakaraang mga araw, maraming mga netizen ang nakapansin sa madalas na pagbabahagi ng aktres na si KC Concepcion sa Instagram ng kanyang mga sexy photos.

Karamihan sa mga ito ay mga larawan ni KC habang ini-enjoy ang kanyang bakasyon sa Lipa, Batangas. Sa mga larawang ito, makikita ang magandang hubog ng katawan ni KC na talaga namang pinuri ng kanyang mga tagahanga at ng maraming mga netizen.

Ngunit, sa kabila nito, isang netizen ang hindi napigilan na tanungin ang aktres kung bakit umano panay ang pagpapakita ni KC ng balat o ang pagpapa-sexy sa kanyang mga larawan.

“Why you’re showing too much of your skin,” ani pa ng netizen na ito.


Hindi naman pinalagpas ni KC ang tanong na ito sa kalmadong sinagot ang netizen. Simpleng sagot pa rito ni KC,

“Because I take care of my skin #SKINCARE is always in.”

Bagama’t maayos ang naging pagsagot ni KC sa tanong na ito ng naturang netizen, marami sa mga tagasuporta ng aktres ang hindi napigilan na idepensa ito mula sa umano’y hindi magandang tanong na ito kay KC.

Ayon sa mga tagasuporta ng aktres, wala umanong masama dito lalo na’t nasa tamang edad naman daw si KC at katawan niya naman iyon.


Bago nito, sa kanya ring Instagram ay nagbahagi ng pahayag si KC tungkol sa umano’y pagtanggap at pagmamahal nito sa kanyang katawan matapos ang mga ‘body shaming comments’ na natanggap niya mula sa publiko.

Ayon kay KC, wala umano siyang dapat na ikahiya sa pagkakaroon ng ‘Latina curves’ dahil ani pa ni KC, ang iba nga umanong kababaihan ay nagbabayad pa ng malaki para lamang magkaroon ng kurba na katulad ng sa kanya.

Pagbabahagi pa ni KC tungkol dito,

“Making my Portuguese curves shine everyday... in case someone’s been living under a rock, curves are in, curves are NOW, curves are TIMELESS and having this ultra feminine shape?? I wouldn’t have it any other way!


“I used to get body-shamed when I went on my 3-year hiatus for not having that Asian, stick thin body (for an Asian like me), and many women like me get affected by this mentally, emotionally and physically. Going through a pandemic and realizing the big picture issues of the world, I realized life is to be celebrated, and enjoyed...

“Like, why would I choose to develop an eating disorder over losing all the extra weight healthily? Why choose to lock myself up comparing myself to everyone else, when I could be dressing up for these fire feminine hips and that booty (that some girls even pay to have by the way)? Celebrate LIFE. Tomorrow is not promised.

“Serving you... a FILIPINA with LATINA CURVES. I’m here to celebrate all Filipinas who are like me.”

Si KC ay anak nina Megastar Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion. Maliban sa pagiging isang aktres, singer, at host,  isa ring designer at entrepreuner si KC.

Source: KAMI
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment