Saturday, August 15, 2020

Frankie Pangilinan, Nagbigay ng Opinyon Tungkol sa Umano’y Isyu sa Pagitan nina Jason Dakhal at Michael Pacquiao



Kamakailan lang ay naging napakainit na usapan sa Twitter ang tungkol sa umano’y ginawang pasaring ng R&B singer na si Jason Dakhal tungkol sa atensyon daw na nakukuha ni Michael Pacquiao matapos lamang i-release ang kanyang bagong kanta.

Kaugnay nito, mayroong mga pahayag na ibinahagi si Frankie Pangilinan tungkol sa pananaw nito sa dalawang panig.

Para kay Frankie, tama naman umano ang ipinaglalaban ni Jason tungkol sa dapat ay patas na pagtrato ng industriya sa kanilang mga artist at sa mga artist na mayroong koneksyon dahil sa kanilang apelyido.

Naging punto kasi ng mga tweet na inilabas ni Jason ay ang tungkol sa pribilehiyo umano na ibinibigay ng industriya sa mga anak ng artista na hindi naman umano masyadong magagaling kaysa sa kanilang mga independent artist na labis nagtrabaho para lamang makilala.


Ani pa ni Frankie tungkol kay Jason,

“yo i think jason dhakal was right and endlessly + tenderly is fire”

“and he’s talented af and he along w so many local artists deserve more hype srsly why was everyone so mad”

Dahil sa mga pambabatikos na natatanggap ni Jason, ipinagtanggol ni Frankie ang singer at sinabing naiintindihan nito ang kanyang pinanggagalingan. Ayon kay Frankie, sinuman umano ang nasa posisyon ni Jason ay talagang maglalabas din ng hinaing dahil sa hindi pantay na pagbibigay sa kanila ng oportunidad.


“it’s not entitlement either wouldn’t u likewise be heartbroken to be working ur pwet off at ur passion only to see something relatively mediocre take off so fast? the video had its own value and it was fun but listen to jason’s music that rly takes tiiime and energy to cultivate,” dagdag pa ni Frankie.


Para naman sa mga netizen, bagama’t mayroon umanong punto ang mga pahayag ni Jason, ang mali lamang umano nito ay nang idamay nito ang pangalan ni Michael para lamang mapatunayan ang kanyang mga hinaing.

Para namaan kay Frankie, kahit na ipinagtanggol nito si Jason ay naiinitindihan din umano nito ang panig ni Michael dahil, bilang isa ring anak ng artista, naging biktima rin umano si Frankie ng tintawag nilang ‘anak-ni’ culture.

Hindi umano ito kasalanan ni Michael kundi ng industriya na patuloy pa ring pinaiiral ang ganitong kasanayan. Pahayag pa ni Frankie tungkol dito,


“i’m on the receiving end of that anak-ni culture too and yea it’s wrong and it sucks and it needs to stop”

“it‘s not michael’s fault either it’s nobody’s fault it’s just a flaw in the cultural landscape we can hopefully repair one day soon”

Para naman kay Michael, naiintindihan din umano nito kung ang tingin ng mga tao ay dahil lamang sa kanyang apelyido kaya ito ngayon nakikilala. Hindi niya umano masisisi ang mga ito ngunit, para sa young artist ay pinaghirapan niya rin naman umano kung ano ang mayroon siya ngayon.

“And people would say, it has to do with my last name. But, you know, I understand naman… But at the same time, it’s, like, I work hard to achieve what I am,” pahayag pa ni Michael.


Source: PEP
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment