Wednesday, August 19, 2020

Isang Vlogger at Dating PBB Housemate, Positibo sa COVID-19!



Sa isang vlog na ibinahagi ng vlogger at dating PBB housemate na si Baninay Bautista, kinumpirma nito ang malungkot na balita na siya ay positibo sa COVID-19.

Lumabas umano ang resulta na siya ay positibo sa COVID-19 tatlong araw lamang matapos niyang magpa-swab test.  Ayon kay Baninay, bagama’t positibo siya sa virus ay wala naman umano siyang nararamdamang mga sintomas.

Maliban kay Baninay, positbo rin umano sa COVID-19 ang nanay at kuya ng kanyang boyfriend na si Bont Bryan Oporel.

“Kanina, noong nalaman ko, sobrang umiyak ako kasi natakot ako. Naging emotional din ako kasi may fear. Alam naman natin kasi na walang gamot and all…


“Pero, to tell you guys honestly, sobrang wala akong nafi-feel na kahit ano. Thank you, Lord. ‘Yun nalang talaga pinagpapasalamat ko kasi kahit ubo, sipon wala… lagnat, wala. Diarrhea, na kasama rin daw sa symptoms, wala rin…

“May konting plema lang ako and sore throat though hindi talaga siya sobrang sakit,” pagbabahagi pa ni Baninay.

Dagdag pa ni Baninay, nagsagawa na rin umano ng contact tracing ang Bacoor Health Center para sa lahat ng kanilang mga nakasalamuha. Ayon sa vlogger, nagpatest na umano ang mga kaibigan niyang ito na kanyang nakasalamuha at magandang balita umano na nagnegatibo naman ang mga ito sa COVID-19.


Nais umano ni Baninay na ibahagi sa publiko ang kanyang ‘journey’ na ito upang kahit papaano ay makapagbahagi rin umano siya ng kanyang mga natutunan at matututunan habang nakikipaglaban sa virus.


Dahil sa pagiging positibo nito sa virus, pinapatatag umano ngayon ni Baninay ang kanyang immune system. Ibinahagi rito ni Baninay ang mga kinakain o iniinom niya umano para mapatatag ang sarili gaya ng luya, lemon, honey, at mga bitamina.

Noong una, sa bahay lamang sila naka-quarantine ni Baninay at ng iba pang miyembro ng kaniyang pamilya na positibo rin sa coronavirus.

Ayon kay Baninay, mas komportable umano siya na nasa bahay lamang lalo na’t wala naman umano siyang nararamdamang mga sintomas. Bagama’t kahit nasa bahay ay strikto pa rin ang kanilang mga paggalaw tulad ng pagkain, pagsusuot ng face mask, at maya’t mayang pag-aalcohol ay mas pipiliin pa rin umano nito na sa bahay lamang manatili.

Ngunit, dahil sa patakaran ng kanilang lokal na komunidad, nang magkaroon ng bakante sa quarantine facility ng kanilang lugar ay kinailangang lumipat doon nina Baninay.


Sa vlog, emosyonal pa ang vlogger habang naghahanda na mailipat sa naturang quarantine facility. Inihayag dito ni Baninay ang kanyang takot umano doon kaya labag sa loob nito ang paglipat.

“Simula pa lang nalaman ko na positive ako, ‘yun iyong pinaka-kinatatakutan ko kasi wala sa bahay. Hindi ako makakatulog. Sobrang hirap…

“Nahihirapan ako, natatakot ako kasi syempre mga positive din dun ‘yung mga katabi naming kwarto, ‘yung mga doktor. Dadaan sa ibang kwarto, dadaan sa kwarto namin. Basta lahat sobrang kinatatakutan ko,” ani pa nito.


Marami naman ang nagbigay ng mensahe kay Baninay na magpakatatag ito sa laban na kanyang kinakaharap ngayon. Hiling ngayon ng marami lalo na ng mga taga-suporta at kaibigan ni Baninay na malampasan at gumaling ito mula sa COVID-19.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment