Isa ang dating news reporter na naging piloto na si Steve Dailisan sa mga malungkot na natanggalan ng trabaho dahil sa pandemya. Dahil kasi sa COVID-19, naapektuhan ng malaki ang mga paliparan na nagbunga sa pagbabawas nito ng mga empleyado.
“A month ago, tears were shed, and I thought it’s already the end of my aviation career, but I figured bleak times are not always bad. Sometimes, we are just redirected to a better path. Ang stepbacks sa buhay natin are God's way of telling us na may magandang pagkakataon na naghihintay.
“Isang bagay lang po talaga ang pinanghawakan ko during the most crucial time in my professional career, at ‘yon ay ang huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magdasal,” pagbabahagi pa ni Dailisan.
Nang mga panahong iyon, kinonsidera umano ni Dailisan na bumalik sa pagiging isang news reporter ngunit, dahil sa wala umanong bakanteng trabaho para sa kanya sa dating larangan, naging online seller muna ng karne si Dailisan.
Hanggang sa kamakailan lamang, matapos ang paghihintay ay mayroon na muling bagong trabaho si Dailisan. Bagama’t hindi pa siya nakakabalik sa pagiging isang piloto, masayang ibinahagi ni Dailisan ang bagong trabaho dahil kahit papaano ay may kaugnayan pa rin ito sa paliparan.
Si Dailisan ang tumatayo ngayong public affairs manager at spokesperson ng Air Asia. Para sa dating news reporter, biyaya umano ang bagong trabaho niyang ito. Saad pa ni Dailisan tungkol dito,
“I consider this a blessing and a step closer to getting back to the skies once the situation improves. Tingin ko po, inilaan ito sa akin kasi kailangan ng higit na pang-unawa sa mga sitwasyon.
“Nung reporter pa ako, mostly, transportation-aviation related ang coverages ko. Alam ko rin po ang pakiramdam ng pasahero. Kasagsagan ng flight training ko nang maging bahagi rin ako ng Transportation Department, kaya ramdam ko ang pulso ng mga nasa airline noong maging ganap akong piloto.
“Although this job is not new to me except, previously, I was the one doing the interview. Now, I am given the huge responsibility of making sure that our passengers are well informed, their concerns are adequately addressed, and ultimately, they get to travel safe and get a comfortable all-star flying experience amid this pandemic.”
Hindi itinanggi ni Dailisan na nawalan din ito ng pag-asa noong mga panahong natanggal ito sa pagiging isang piloto. Ngunit, masaya ito na nalampasan na niya ang naturang bahagi ng kanyang buhay.
Kaya naman, para magbigay ng pag-asa sa mga taong katulad din ni Dailisan ay minsang nawalan ng pag-asa dahil sa pagkawala ng kanyang trabaho, nagbahagi ito rito ng mensahe.
“Sa panahon ngayon, kailangang ilabas lahat ng talent at energy na meron ka para makahanap ng bagong opportunity. Kailangan masipag and optimistic. Fight and win, one day at a time.
“Kapag naka-survive ka ng isang araw, bukas ulit. Mahirap man itong gawin kasi kakaiba ang sitwasyon ngayon, pero wag kang susuko, laban lang!
“Sa mga kagaya ko na nawalan ng trabaho, alam kong mahirap. Sobrang hirap ng sitwasyon, pero alam kong kakayanin natin. Ang totoo, walang choice kundi kayanin, at kapag natapos ang lahat ng ito, sigurado ako, mas matatag tayo sa anumang hamon na darating pa.”
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment