Wednesday, August 26, 2020

Jessy Mendiola, May Sagot sa isang Basher na Nagsabing iiwanan parin siya ni Luis Manzano



Sa isa sa mga pinakabagong vlog na ibinahagi ng aktres na si Jessy Mendiola kung saan nakasama nito ang boyfriend na si Luis Manzano, inamin ni Jessy ang ilan umano sa mga pahayag na nakapagpa-offend sa kanya na galing sa mga basher.

Ayon kay Jessy, bagama’t nasanay na umano siyang matawag na ‘ahas’ ng mga tao lalo na sa socia media, nao-offend pa rin umano siya sa mga ito paminsan-minsan kahit na hindi umano ito totoo.

“Siguro naman hindi na maipagkakaila na sobrang na-offend ako noong tinatawag ako palaging ‘ahas’ or ‘third party’, so that’s a given.

“Actually, sinasabi kasi ng iba diba na, dapat hindi ka nasasaktan kasi hindi totoo. But it’s more of like… mas masakit kasi nga hindi totoo. Alam mo ‘yun? Ganun ako. That’s how I look at it. It even hurts more when it’s not true,” ani pa ni Jessy.


Paliwanag nito, kapag daw kasi totoo ang isang bagay na binabato sa kanya, dedma lamang ito kay Jessy o di kaya ay aakuin niya pa ito. Ngunit, napaka-offending umano kapag pilit na ibinabato sa kanya ang isang bagay na wala namang katotohanan.

Maliban dito, mayroon pang isang bagay na nabanggit ang aktres na labis din umano siyang na-offend.

Hindi maikakaila na maraming mga basher ang bumabato sa aktres tungkol sa umano’y kawalang balak ni Luis na pakasalan siya. Ayon sa aktres, hindi niya umano maintindihan kung bakit pinipressure sila ng mga ito sa isang kasal.


Pahayag pa nito,

“Siguro kasi, ang tagal na natin together. People keep on, you know, they’re waiting or pine-pressure nila tayo magpakasal or magpropose ka.


“Tapos ‘yun, nao-offend ako kapag sinasabi ng mga tao na, ‘wala. Luis will leave you’. Although I know naman na it won’t happen. ‘Hindi yan magpopropose kasi babaero ‘yan.’”

Para kay Jessy, kahit alam niya umanong hindi naapektuhan si Luis ay nao-offend umano siya para sa nobyo. Hindi kasi katulad ni Luis na walang pakialam sa sinasabi ng iba na hindi naman totoo, mas naapektuhan umano ang aktres kapag hindi totoo ang mga sinasabi tungkol sa kanya o sa kanila.

“Iba ‘yung feel ko na parang… ‘This is the person I love and I trust him with all my heart.’ Nakakainis lang na, bakit kailangan nilang makialam sa relasyon ng may relasyon.

“But then, dati ‘yon,” ani pa ni Jessy.

Ayon sa aktres, ito umano ang mga bagay na talagang na-offend siya noon ngunit, sa ngayon umano ay bihira na siyang maoffend sa mga pambabash na ibinabato sa kanya. Dagdag pa nito,


“Now I’m like… I’m more than comfortable with how we are and what’s about to happen. I don’t think there is anything that would offend me already.


“Nasa disposition na ako ng life ko na… kahit anong sabihin nila, okay lang!

Hindi maikakaila na dati ay lubusang nakatanggap ng mga pambabash si Jessy ngunit, sa ngayon ay masaya na ang aktres na natutunan na niyang huwag masyadong magpaapekto sa mga ito at maging masaya na lamang sa buhay.

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment