Saturday, August 1, 2020

John Regala, Inulan ng Tulong Mula sa mga Kapwa Nito Artista



Kamakailan lang ay napag-alaman ng publiko ang kasalukuyang kondisyon ng aktor na si John Regala matapos itong magviral sa social media.

Marami sa mga kapwa artista ni Regala at kanyang mga taga-suporta ang hindi mapigilang maawa sa kalagayan ngayon ng aktor na malayong-malayo sa kalagayan nito dati.

Hindi halos makapaniwala ang publiko na ang dating malaking katawan na mayroon si Regala ay pumayat nang hasto at hindi pa halos makapagsalita ng maayos. Ipinaalam ni Regala sa publiko na mayroon itong sakit na liver cirrhosis.

Dahil sa kawalan ng pera, hindi na umano naipagpatuloy pa ni Regala ang kanyang dialysis at hindi na rin nakakabili ng gamot. Kaya naman, humihingi ngayon ito ng tulong sa kanyang mga naging kasamahan sa industriya pati na rin sa mga taong may mabubuting puso.


Kaugnay nito, kamakailan lang ay binisita si Regala ng aktres na si Nadia Montenegro, FDCP Chair Liza Diño at Journalist at talent manager na si Aster A. Amoyo.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Diño sa kanyang Instagram account, makikita ang ginawa nilang pagbisita sa aktor upang alamin ang kasalukuyan nitong kalagayan at upang makapagpaabot na rin dito ng tulong.

Ayon kay Diño, kasama sina Montenegro ay nakatakda umano silang magkalap ng tulong mula sa iba pa nilang mga kasamahan sa industriya para sa pagpapagamot ng aktor.


“I was met by his dear friends, actress Ate Nadia Montenegro Pla and Celebrity Journalist/ talent manager Aster A. Amoyo who were also there to reach out and provide him with the assistance that he might need. I was also told that Chuckie Dreyfus helped in gathering support for kuya John…



“It's so incredible to see industry people come together to help one another in times like these. Kahit may kanya-kanyang priorities, basta sa panahon ng krisis, nandyan tayo para sa isa't isa,” saad pa ni Diño.

Maliban sa atensyong medikal na kakailanganin ni Regala, maayos naman umano ang kondisyon ngayon ng aktor na nasa pangangalaga ng Iglesia ni Kristo mula pa umano noong 2015. Pagbabahagi pa ni Diño, sa tulong ng mga kapwa-aktor ni Regala ay mayroon umanong doktor na nakatakdang magbigay ng regular na check-up kay Regala.

“I am happy to share that Kuya John is ok. He requires medical assistance, and Doc Poch, our ever-reliable doctor from Volunteer Corps PH was there to give him a check-up and assess his medical condition. Arrangements were made to address his immediate needs, which includes regular visits by the doctor to provide him with IV fluids to keep him hydrated and nourished since his liver problem makes him lose his appetite…


“There was an outpour of support coming from fellow actors in the industry to make sure he is well taken care of. Being a witness to all these, I can't help but say to myself, ‘there's hope’,” dagdag pa ni Diño.


Marami naman ang natuwa lalo na ang mga taga-suporta ni Regala dahil sa ibinibigay ritong tulong at suporta ng kanyang mga kapwa-artista. Nakakatuwa umanong isipin na sa kabila ng iba’t-ibang pinagdadaanan ngayon ng bawat isa, handa pa ring tumulong ng mga ito sa mga taong kagaya ni Regala na mas nangangailangan.
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment