Natupad na sa wakas ang hiling ng aktor at action star na si John Regala na makausap man lang ang anak na matagal nang nawalay sa kanya.
Mula nang maisapubliko ang kalagayan ngayon ng aktor, bukambibig na nito na makita at makausap man lang ang nag-iisang anak nito sa kanyang unang asawa na si John Paul Kieffer.
Sa pamamagitan ng isang video call nito lamang Lunes, nagkausap na ang mag-ama kung saan tumagal ito ng halos isang oras.
“I’m very happy that I am talking to you. Before I lose hope, my son never noticed me. But it is okay, as long as he is in good hands. But now I am proud of you, very very proud of you,” ani pa umano ni John sa anak na si Kieffer.
Tuwang-tuwa umano si John sa nangyaring pag-uusap nila ng anak. Napaiyak pa nga umano ito sa sobrang tuwa. Ayon sa ulat, bagama’t naiyak ang aktor ay dahil lamang umano ito sa tuwa na nagkamustahan na sila ng anak at nagpalitan pa umano ang mga ito ng pangako.
“When I go to the hospital, you are my inspiration to be strong enough, you know and I will wait for you here. Okay?
“ If you think I forget you, no. I love you, because you are my only son. I’m sorry we’re apart. I didn't abandon you, I never abandon my children, I love you always remember that,” saad pa umano ng aktor sa pag-uusap nila nga anak.
Bagama’t patuloy na sumasailalim pa rin sa gamutan ang aktor dahil sa mga sakit nitong liver cirrhosis, gout, at diabetes, malaking tulong umano na nakausap nito ang anak dahil sa karagdagang lakas na naihatid nito sa kanya.
Sa kanilang pag-uusap, bukod sa paghingi ng tawad sa anak, nagbigay rin ng pasasalamat si John ang dati nitong asawa na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt at ang kasalukuyan nito ngayong asawa para sa lahat ng naitulong ng mga ito sa kanya.
Una nang nakapanayam ng medya si Aurina kung saan, hinanggan ito ng marami dahil sa kabutihang loob at magandang pakikitungo nito sa dating asawa. Ani pa ni John sa mga ito,
“And I thank Mr. Hunt for taking care of you, for being a good boy. I thank him very much. I will do my part here, I will run so fast to make up to you…
“I thank your mom for taking care of you and have a good life there in America. I heard you are practicing medicine right now, continue that.”
Ayon kay Aurina, nakatakda na sana silang umuwi sa Pilipinas dahil sa kagustuhan na rin umano ng kanyang anak na makita ang kanyang bilogical father. Ngunit, si John na umano mismo ang pumigil sa mga ito dahil sa delikadong kondisyon ngayon sa bansa.
Gayunpaman, kapag bumuti na ang lahat, aasahan umano na agad silang uuwi sa Pilipinas upang tuluyan nang muling magkita sa personal ang mag-ama. Taong 2002 pa umano nang huling makasama ni John si Kieffer at napakabata pa umano nito ng mga panahong iyon.
Ayon kay John , kapag nagkita na sila nga anak ay tuturuan niya rin umano itong umarte. Natuwa naman dito ang anak at sinang-ayunan din ang plano ng ama.
“I will teach you all the acting, good acting, not the stereotype actor, acting -- this is new acting. Kamukha mo nga ako,” saad pa ni John sa anak.
Panoorin ang buong video dito!
Source: ABS CBN
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment