Marami ang natuwa sa naging reaksyon ng nanay ng aktor na si Gerald Anderson nang surpresahin ito ng anak ng isang bagong-bagong pick-up truck.
Sa pinakabagong vlog na inilabas ni Gerald sa kanyang Youtube Channel, ibinahagi ng aktor ang ginawa nitong surpresa sa kanyang ina kung saan, makikita ang nakakatuwa nitong reaksyon habang gulat na gulat sa regalo sa kanya ni Gerald.
Ayon kay Gerald, matagal na umanong nirerequest ng kanyang nanay ang magkaroon ng pick-up truck o multicab man lang. Kaya naman, dahil ang motivation umano ni Gerald sa buhay ay ang kanyang nanay, ibinigay na nito ang kanyang hiling.
Sa naturang video, noong una ay ayaw pang tanggapin ng nanay ni Gerald na si Evangeline “Vangie” Opsima ang bigay na bulaklak ng mga taong inutusan ni Gerald.
Pilit nitong tinatanong sa mga ito kung saan umano nanggaling ang naturang mga bulaklak. Di kalaunan, nang lapitan niya ang mga taong ito na may dala ng surpresa ni Gerald, napansin na rin ni Evangeline ang sasakyang dala ng mga ito.
Dito na naging emosyonal ang nanay ng aktor dahil agad nitong napagtanto na galing sa anak ang naturang bulaklak at higit sa lahat, ang bagong-bagong pick-up truck na para sa kanya.
Gulat na gulat ito sa surpresa ni Gerald kaya naman emosyonal nitong pinasalamatan ang anak para sa napakagandag surpresa na handog nito sa kanya.
“Son, thank you very much. I really appreciate it. It’s not my birthday. I’m very surprised… I really appreciate it, RJ. Thank you, thank you very much. I love you, son,” emosyonal pang pasasalamat ni Evangeline sa anak.
Ayon sa nanay ng aktor, alam niya umano na hindi malaki ang kita ngayon ng aktor dahil sa nangyari sa ABS-CBN ngunit, nagawa pa rin nito na bigyan siya ng magarang sasakyan. Kaya naman, labis ang tuwa at pasasalamat na nararamdaman niya para rito.
“Son, you’re always surprising mama. You know RJ how much I love you… but this is too much, son. I’m just asking you for multicab. I don’t need a fancy car yet,” dagdag pang ani ng nanay ng aktor.
Emosyonal at hindi mapalagay sa tuwa si Evangeline sa magandang surpresa na ito sa kanya ng anak. Kaya naman, kahit hindi makapaniwala ay hindi ito magkamayaw sa pagpapasalamat sa anak para sa napakaganda nitong regalo. Hindi inaasahan ng ina ni Gerald na bibilhan siya ng anak ng ganoong kagandang sasakyan bilang regalo.
Mensahe pa ulit ni Evangeline para sa anak na si Gerald,
“Well RJ, I really appreciate it, honey. Thank you very much. Thank you for this truck. I’m not expecting this son, I’m just asking you a multicab… I prefer a multicab than a nice car. But anyways, still, thank you very much, RJ.
“Thank you, son, I love you.”
Hindi naman mapigilan ng aktor na matuwa sa nakakatawang reaksyon umano ng kanyang nanay sa kanyang surpresa. Gusto lamang umano ni Gerald na makapagbigay ng saya sa kanyang nanay kaya naman, sa kabila ng mga pinagdadaanan ay binigay na rin ng aktor ang konting request na hinihingi sa kanya ng ina.
Panoorin dito ang buong vlog ni Gerald tungkol sa surpresa nito para sa kanyang nanay:
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment