Wednesday, August 19, 2020

Pokwang, Hindi Nagustuhan ang ‘Late’ na Vlog ni Baninay Tungkol sa Kondisyon Nito: “Dahil sa vlog mo, nagpanic kami p*ta ka!”



Diretsahan ang ginawang paglalabas ng komedyanteng si Pokwang ng kanyang galit dahil sa hindi umano malinaw na vlog na ibinahagi ng vlogger at dating PBB housemate na si Baninay.

Sa kanyang Twitter, isinaad ni Pokwang na nagdulot umano ng malaking panic sa kanila ang naturang vlog ni Baninay kung saan sinabi nitong positibo siya sa COVID-19.

Nito lamang ika-18 ng Agosto nang ilabas ni Baninay ang naturang vlog ngunit, noon pa umanong ika-2 ng Agosto ay nagnegatibo o nakarecover na si Baninay sa COVID-19. Ani rito ni Pokwang,

“dahil sa vlog mo nag panic kmi potah ka! e late upload naman yan at negative naman result mo last aug.2!! Wag mong gawin pagkaperahan yang nag ka covid ka may nalalaman kapa na update update sa mga ganap sayo e negative na nga diba? nangdamay kapa ng nerbios at gastos!”

Dahil sa hindi umano sinabi ni Baninay na ‘late upload’ pala ang kanyang vlog ay nagpanic umano silang mga nakasama ng vlogger. Ika-16 umano ng Agosto nang makasama nina Pokwang si Baninay sa kanilang game show kaya naman ganoon na lamang ang panic nito nang mapanood ang vlog ng huli.


Dito, pinagsabihan pa ni Pokwang si Baninay na huwag umanong pagkakitaan ang nangyari o gamitin upang magkaroon ng maraming ‘views’ dahil hindi umano ito magandang biro.


“Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last aug.2?? july 21 ka nagkasakit tapos aug.2 ok kana negative kana!

“Aug.16 naglaro ka samin nagpanic kmi kanina dahil di mo sinabi sa vlog mo na late upload nayan! pa trending ka!,” dagdag ani pa ni Pokwang.

Ayon pa kay Pokwang, bilang ina ay lubha umano siyang nag-alala nang malaman ang tungkol sa umano’y kondisyon ng vlogger. Hindi umano biro ang pagpapanic na kanyang naramdaman lalo na’t nasa 80 na ang edad ng kanyang nanay na kasama nito sa bahay.


Saad pa nito,

“Hindi mo alam ang panic na ginawa mo samin Baninay! may anak ako at nanay na 80yrs old! sana sinabi mo agad sa vlog mo na nag negative kana last aug.2 dahil aug.16 nag guest ka sa gameshow…

“hindi mo alam pakiramdam ng isang ina na sobrang nag aalala sa ganitong pandemic!”

Dahil sa mga diretsahang tweet na ito ni Pokwang, agad na umanong in-edit ni Baninay ang kanyang vlog at naglagay na ng ‘late post’.

Sa kabila nito, marami sa mga netizen ang mas naintindihan umano kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Pokwang dahil talagang hindi biro ang malamang positibo pala sa COVID-19 ang iyong nakasama.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Baninay tungkol sa naging hinaing na ito sa kanya ni Pokwang.


Sa naturang vlog ni Baninay, ibinahagi nito ang pagiging positibo niya umano sa COVID-19 pati na rin ng dalawa pa nitong kasama sa bahay. Ayon sa vlogger, nais niya umanong ibahagi sa mga manonood ang kanyang journey ng pakikipaglaban sa naturang virus.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment