Thursday, August 20, 2020

Thai Transwoman na Minsang Ini-link kay Clint Bondad, Muling Nagbahagi ng mga Larawan Kasama si Clint



Maraming mga netizen ang nakapansin na laman na naman ng social media ni Thai billionaire Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip ang ilan sa mga larawan nito kasama si Clint Bondad, ang kontrobersyal na ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nitong nakaraang mga araw, ilang mga larawan kasama si Clint ang ibinahagi ni Anne sa Instagram kung saan mayroon pang larawan ang dalawa habang nasa iisang bath tub.

Sa mga caption na ibinahagi ni Anne, tila mayroon itong ipinahihiwatig na kailangang abangan ng publiko tungkol sa dalawa. Ayon sa ilan, maaari umano itong isang proyekto na gagawin nilang magkasama.

Isa sa mga caption na ibinahagi patungkol dito ni Anne ay,

“Partners in Crime… The New Production is coming soon!!! Hard Core Story from me and Santa. Stay Tune with the big surprise. My secret will spill over real soon. Get Real! You will see the real Anne!!”


Kung matatandaan, maliban sa pagiging isang malapit na kaibigan para kay Anne, minsan na rin nitong tinawag na ‘biz partner’ si Clint.

Gayunpaman, dahil sa mga larawang ito na ibinahagi ni Anne ay hindi maiwasan ng ilang mga netizen na maghinala tungkol sa kung ano nga ba raw talaga ang relasyon ng dalawa.

Ito ay sa kabila ng ilang beses na paglilinaw ni Anne na malapit na kaibigan at parang isang kapatid lamang talaga ang turing nito kay Clint. Minsan pang naging saad ni Anne, siya pa raw mismo ang hahanap ng babae na magiging bagong girlfriend para kay Clint.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal si Clint noong nakaraang buwan dahil sa mga misteryosong mensahe na ibinahagi nito sa Instagram.

Nang mga panahong iyon, si Anne ang nagtatanggol sa kanya laban sa mga netizen na panay ang pangungulit at pambabatikos na rin kay Clint. Inakusahan din kasi si Clint ng mga ito na pineperahan lamang si Anne kaya magkaibigan ang mga ito.




Ayon dati ni Anne, nagkaroon umano ng depresyon ang model at dating Kapuso actor na bunga umano nang nangyaring hiwalayan nito kay Catriona. Ani pa ni Anne tungkol dito,

“He used to express the personal sorrow to me once that lots of people think he is with me for money which is absolute NOT true.

“That incident plus the break up led him into the Great Depression since last year. So, today I don’t think that I should be quiet anymore. I’m the warrior who will fight against up the unfair comments!

“Please stop bullying other people or becoming so judgmental without knowing the fact. Your negative energy will destroy other innocent human beings!!!”



Ilang beses niyang pinagtanggol si Clint laban sa mga akusasyon na ibinabato rito at pinakausapan din ang publiko na tigilan na ang mga pamamabatikos sa kanyang kaibigan. Dagdag pahayag pa nga nito dati,

“The More you push someone up against the wall, the more aggressive he/she will fight back. Or someone who can’t fight might lose the control and get even more insane. Remember he had no one to rely on. He was alone in the Philippines.

“How would you feel if almost the whole nation criticized you, bombarded you and devalued you??? Remember that he had to fight alone. PLEASE STOP, everyone!!!! Enough!!!! Thank you!!!!”


Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment