Saturday, August 15, 2020

Vlogger na si Emman Nimedez, Pumanaw na!



Nasa kritikal at ‘unstable’ na kondisyon ngayon ang vlogger at singer na si Emman Nimedez ayon mismo sa ibinahaging Facebook post ng kanyang girlfriend nito lamang Biyernes, ika-14 ng Agosto.

Labis naman na ikinalungkot hindi lamang ng mga tagasuporta ni Emman ang balitang ito kundi ng halos lahat ng mga tao na nakakakilala sa vlogger.

Ayon kay Peachy Santos, girlfriend ni Emman, nasa intensive care unit (ICU) umano ngayon ang vlogger matapos itong mawalan ng malay bandang alas 10 ng gabi noong Huwebes, ika-13 ng Agosto.

Nagkaroon umano ng kidney failure at blood complication si Emman at mula nang mawalan ito ng malay, hindi na umano nakausap pa si Emman ng kanyang pamilya at mga kaibigan.


“Sa mga nakakabasa po nito gusto ko lang po ipaalam na Dinala po sa ICU si Emman kagabi dahil po sa kidney failure and blood complication. Nawalan po siya ng malay around 10pm, tinry ko po siyang gisingin pero di na po siya nagrerespond. Hindi pa namin siya nakausap since kagabi,” pagbabahagi pa ni Peachy.

Gayunpaman, bago ito mailipat sa ICU ay kinausap umano nina Peachy, ng ‘Team Payaman’, at ng pamilya nito si Emman kahit na wala itong malay. Saad pa ni Peacy tungkol dito,

“Bago po siya pinasok sa ICU kausap po namin siya kasama ang team payaman at mahal nya sa buhay and alam kong naririnig nya yun dahil tumatango po sya at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. Ngayon po ay critical condition nya at unstable.”

Humihingi ngayon ng dasal sina Peachy para sa paggaling at pagbuti ng kondisyon ni Emman. Humihingi rin ang mga ito ng tulong pinansyal para sa mga gastusin sa patuloy na paggamot sa vlogger.



“Kailangan po namin ng suporta at tulong nyo ngayon malaki man o maliit ang halaga. Pera man o simpleng pag share lang ay malaking tulong na po yun para sa kay Emman,” ani pa ng girlfriend ni Emman.

Ayon kay Peachy, alam niya umano na lumalaban si Emman sa sakit nito kaya naniniwala ito na malalampasan ng vlogger ang kanyang karamdaman. Kung matatandaan, kamakailan lamang ay ibinahagi mismo ni Emman ang tungkol sa pakikipaglaban nito sa cancer.

Malungkot nitong ibinahagi sa kanyang vlog na mayroon itong acute myeloid leukemia. Ngunit, sa kabila nito ay isinaad ni Emman na lalabanan niya umano ang naturang sakit.

“kitang kita ko na gusto nya po lumaban. Kasi everytime na sinasabe ko "lalaban tayo ha" tatango sya. Hinahawakan nya yung kamay ko ng mahigpit at alam ko na lalaban tayo na magkasama sa pagsubok na to…


“Kaya mo yan Mahal. Alam kong kaya mo,” muli pang ani ni Peachy tungkol kay Emman.

Agosto 16, 2020 Pumanaw ang batang Youtuber sa edad na 27 at bago ito namatay ay kasama niya ang kanyang Pamilya at mga kaibigan sa St. Lukes Medical Center Quezon City.

"Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke's Medical Center - Quezon City.

Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support.

Funeral details will be announced in the next days. We hope everyone will respect the family's privacy to mourn the passing of Emman. Thank you."


Sa ngayon malungkot ang Industriya ng mga vlogger sa balitang ito lalo na ang Team Payamansion.

"Rest in Peace Emman Nimedez, hanggang sa muli"

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment