Friday, September 25, 2020

Apo ni Comedy King Dolphy, Inireklamo ang Kanyang Karelasyon kay Tulfo



Nito lamang Huwebes, ika-24 ng Setyembre, lumapit sa programa ni Raffy Tulfo si Rowell Quizon na apo ng yumaong Comdy King na si Dolphy upang ireklamo ang kanyang girlfriend dahil sa pagiging iresponsable umano nito sa kanilang mga anak.

Sumbong pa ni Rowell kay Raffy, maliban sa pagiging iresponsable ay nananakit din umano ang girlfriend niyang Emily Alonzo sa kanilang mga anak.

Mayroon umanong hawak na mga ebidensya si Rowell ng lahat ng ginawang pananakit at pagtuturo ni Emily ng hindi tama sa kanilang mga anak at kaya niya umano itong patunayan.

Emosyonal pang pagku-kwento ni Rowell, nagsumbong umano sa kanya ang kanyang panganay na anak kung paano raw ito tinuruan ng kanyang nanay na magsalita ng hindi maganda kay Rowell at hindi ito respetuhin.

Masakit umano para kay Rowell ang ginagawang ito ni Emily sa kanilang mga anak lalo na ang pambubugbog umano nito sa mga bata. Lumaki umano sa kanya ang mga ito lalo na ang kanyang bunso na isang buwan pa lamang nang iwan sa kanya ni Emily.

Depensa naman ni Emily sa mga paratang na ito sa kanya ni Rowell, hindi umano totoo ang lahat ng sinasabi ni Rowell na nananakit siya sa kanyang mga anak.

Ginagawa lamang umano ito ni Rowell upang mapansin dahil nagpaplano umano itong gumawa ng vlog. Ani niya pa, maayos umano niyang napapalaki ang kanyang panganay na nasa kanya at gusto niya lamang umano na makasama sana ang kanyang bunso.

Kwento ni Rowell, nagpunta umanong Japan dati si Emily kaya nasa kanya ang pangangalaga ng kanyang mga anak. Ngunit, nagkaroon umano ng pagkakataon na hindi niya kinaya na magpalaki ng dalawang anak kaya masakit man, napunta muna ang kanilang panganay sa poder ni Emily.



Ngunit, lumaki at nanatili sa kanya ang kanilang bunso. Kaya naman, nasaktan umano si Rowell nang isumbong sa kanya ng kanyang panganay ang mga ginawa at itunuro sa kanila ng kanilang nanay.

Ayon naman kay Tulfo, ang pinakamabisa umanong solusyon sa problema ng dalawa ay ipa-assess ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kailangan umanong matutukan ng DSWD ang dalawang magulang upang malaman kung ano ang katotohanan at kung saan nararapat na mapunta ang mga bata.

Ayon kasi kay Rowell, gusto niyang maparusahan si Emily sa ginawa nito sa kanilang mga anak at mapunta na rin sa kanya ang kustodiya ng mga ito. Bagama’t alam niya ang batas sa Pilipinas na mas pinapaburan ang ina ng mga bata, may mga ebidensya umano ito na mas papabor sa kanya ang ahensya.


Ayon naman sa mga netizen na napanood ng episode na ito ng Raffy Tulfo ni Action, nakikita umano nila na isang mabuting ama si Rowell. Mayroon ding nagsasabi na saksi umano ang mga ito sa pagmamahal ni Rowell sa kanyang mga anak.

Marami din sa mga ito ang nagsasabi na mukhang hindi umano kapani-paniwala ang mga naging pahayag ni Emily sa pograma. Sa paraan umano ng pagsasalita nito, mukhang nagsisinungaling umano ang huli.

Gayunpaman, payag naman ang dalawa sa iminungkahi ni Raffy na ipasa sa DSWD ang kanilang problema o reklamo.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment