Saturday, September 12, 2020

Mga Netizen, May Hinalang Buntis Umano si Janella Salvador



Kasabay ng naging kumpirmasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson sa kanilang relasyon, hindi pa rin maiiwasan na mayroong mga netizen na binabahiran ng kontrobersya ang anunsyong ito ng dalawa.

Sa Twitter, agad na naging trending topic ang ginawang kumpirmasyon na ito ng dalawa. Matapos kasi ang mahabang panahon na hindi tahasang inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon, sa wakas umano ay kinumpirma na ito ng dalawa sa publiko.

Masayang-masaya naman para sa dalawa ang kanilang mga kaibigan at tagasuporta na agad nagpaabot ng kanilang pagbati sa mga ito.

Ngunit, naging kaakibat ng magandang balita na ito ang mga tsismis at sabi-sabi ng mga netizens na umano’y nagdadalantao si Janella. Ayon sa mga ito, kaya umano nasa UK ngayon ang aktres at singer dahil ito ay buntis.



Kanya-kanya namang labas ng pahayag tungkol dito ang mga netizen sa Twitter. Mayroong iba na animo’y mayroong pasaring ukol sa tsismis na ito habang mayroon namang iba na talagang kinukumpirma na talagang buntis umano si Janella.

Isa pa sa nagpalakas sa spekulasyong ito ng mga netizen ay ang ginawang Instagram live ni Markus matapos lamang ang ginawa nilang kumpirmasyon sa kanilang relasyon.

Sa naturang live video, maririnig umano si Janella na sinasabing bawal itong lumundag o tumalon. Ito ay matapos daw nitong makakita ng isang ‘bug’ o kulisap.

Dahil sa mga pahayag na ito ng ilang mga netizen tungkol sa naturang hinala, marami na rin ang ibang mga netizen na naintriga at nais malaman ang tungkol umano dito at kung may katotohanan nga ba ito.

Heto ang ilan pa sa mga nakakaintrigang tweet ng mga netizen tungkol sa spekulasyon na umano’y buntis si Janella:




“Buntis daw si janella kaya sila nasa uk ni markus pareho para dun siya manganak, idk if the rumors are true pero parang po.”

“My dear Janella, have a safe delivery ay este safe flight HAHAHAHAHAHAHAH”

“Markus’ IG live just now. Hala siszt!!? Janella literally said after seeing a bug: ‘I almost jumped! And I can’t do that. I’m not allowed to do that.’ Not the exact words though. But she really is preggy?!?!”

“Janella is really pregnant? Bitch wtf! what with these Filipino celebs getting pregnant so young? Y'all are not Kylie jenner y'all want to be.”

“Buntis po ba si janella?? Please enlighten me.”

“Okay Markus and Janella are trending but what am I seeing on? Janella is preggy? Woww.”

“CHISMIS ALERT charot hahahahskskks theres a rumor that janella is pregnant. is it true? abangan baw hahahahsksksk”



“i just watched markus’ live and i just heard janella saying “show them the bump na lang” for her photos and “i almost jumped. i’m not allowed to jump” nung may bug sa kanya…

“OMGGG if true talaga na she’s preganant kaya siya nasa uk, i’ll be very happy for her huhu.”


“On Janella: I think the next thing they’re gonna announce is that she’s pregnant.”

Bagama’t mayroong ilan na natutuwa kung sakaling totoo raw ang naturang spekulasyon, mayroon namang ilan din na naniniwalang hindi umano ito totoo at isa lamang isyu.

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment